Araw ng Kagitingan

Ang araw na ito ay muling ipinagdiwanng upang gunitain ang katapangan at kabayanihan ng mahigit pitumpu’t anim na libong mga sundalong Pilipino, Intsik, at Amerikano na nagbuwis ng kanilang buhay noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang dambana ng kagitingan na matatagpuan sa Mount Samat Bataan ay napakatayog na simbolo ng kadakilaan ng ating mga ninuno na labanan ang mga puwersa ng Hapon na nanakop sa ating bansa. Ito ay isang struktura na napakalaki at kitang-kita mula sa malayo. Ganito din ang ating paggunita sa kanilang sakripisyo na ginawa, matagal man ang lumpias na panahon pero hinding-hindi natin ito malilimutan.

Nawa’y ang kanilang katapangan ay maging inspirasyon nating lahat na maging magiting sa panahon na ating kinagagalawan ngayon. Maraming paraan kung paano natin ito maipapamalas. Simple at madali lamang na maging magiting sa ating buhay. Atin lamang tandaan na kailangan nating maisagawa ng tama ang ating mga tungkulin sa ating pamilya, sa ating opisina, komunidad, at maging sa ating mga sarili.

Mayroon mang mga pagkakataon na hindi magiging madali ang pagpili sa paggawa ng wastong gawain, ngunit dito masusubok ang ating kagitingan bilang isang mamamayang Pilipino na may pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, takot sa Maykapal. Nawa’y ito ang panghawakan nating lahat sa ating buhay.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph