Sapnu: Double Barrel tuloy-tuloy – Albayalde

NOONG Huwebes, pinalitan na ni Director Oscar Albayalde si outgoing Chief PNP Director General Ronald Dela Rosa.

Dumating doon si Pangulong Rodrigo Duterte sa turnover ceremony na ginanap sa National Headquarters Camp Crame.

Nagkaroon ng konting emosyon doon si Dela Rosa sa nasabing turnover dahil iyong araw na iyon ay magiging sibilyan na siya. Doon din tinanggal ang kanyang PNP Badge at maging ang Apat nitong STAR.

Napunta naman kay Albayalde ang Four Star ni Dela Rosa kaya naman ang ranggo ni Albayalde mula s Director ay naging Director General na siya.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Albayalde na ipagpatuloy nito ang nasimulan ni Bato Double Barrel na kung saan magiging mahigpit ang kampanya nito sa illegal drugs sa bansa.

Sinabi pa ni Albayalde kanyang lilinisin ang hanay ng Philippine National Police lalo na iyong sangkot sa illegal drugs.

Walang lugar sa PNP ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs, pahayag pa ni Albayalde.

Sang-ayon pa sa kanyan hindi siya mangingiming tanggalin sa serbisyo ang sinumang masasangkot sa illegal drugs at maging ang mga sangkot sa illegal activities kagaya ng robbery/hold-up at iba pang krimen.

Sa pahayag na Double Barrel ni Albyalde noong Huwebes, sinimulan ng mga Provincial at City police director sa Central Luzon ang panibagong kampanya laban sa illegal drugs.

Sa lahat ng mga Provincial Director sa rehiyon, wala nang tatalo kay Senior Superintendent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, sa kanyang kampanya sa illegal drugs.

Malimit may big accomplishment si Caramat na One Time Big Time sa kampanya nito sa illegal drugs na kung saan umaabot sa 23 na drug pushers/users ang napapatay sa kanilang operasyon.

Kaya si Caramat walang duda na magagawa nito ang Double Barrel.

Paaano kaya patatakbuhin ni Albayalde ang Double Barrel? Ito ba ay magiging seryoso at masigasig sa operasyon? Nagtatanong lang po.

Sa termino ni Albyalde, ilan naman kaya ang magiging casualties sa illegal drugs? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph