Sapnu: RD sinabon ang isang PD?

NOONG nakaraang Miyerkules, May 9, bumisita si Chief PNP Director General Oscar Albayalde sa Camp Olivas, ito’y upang kanyang ilunsad ang kanyang programa One Commendable Act (OCA).

Dapat ang pagdating ni Albayalde ay 7:00 ng umaga nguni’t umabot ito halos 9:30 a.m. na kung saan karamihan sa mga reporter na magkokober sa kanyang pagdating ay nainip.

Siyempre sa pagdating ni Chief PNP, halos lahat ng mga Provincial at City police director sa Central Luzon ay dumalo sa nasabing aktibidades.

Kahit na pinalitan na si Senior Superintendent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director dalawang araw bago dumating si Albayalde sa Olivas ay dumalo pa rin sa nasabing pagtitipon.

Si Senior Superintendent Chito Bersaluna ang pumalit kay Caramat bilang acting acting provincial director ng Bulacan police.

Nasa lobby ng Admin building ang lahat ng mga Provincial at City police director at iba pang Staff Officer upang hintayin ang pagdating ni Chief PNP.

Dito nangyari umano ang pagsabon kay Bersaluna, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Halos magkatabi umano sina Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director sila ni Bersaluna at hindi man lang nakilala ng huli (Bersaluna) ang kanyang RD (Regional director na si Corpus).

Sang-ayon sa IO, katakot takot ang ginawang pagsabon ni Corpus kay Bersaluna at hindi nakaimik ito.

Biro mo naman Bersaluna, RD mo di mo kilala? Nagtatanong lang po...

Mukhang ito yata ang kaunahan-unahan pangyayari na ang isang bagong upong Provincial Director ni hindi nito kilala ang kanyang RD (Regional Director). Nakakahiya di po ba?

Sang-yon sa IO, kaya naman hindi nakilala ni Bersaluna si Corpus dahil di man lang nag-courtesy call sa kanya at sa mga Staff Officer nito.

Kasi naman pagbaba ng kanyang order mula sa National Headquarters sa Camp Crame, umupo na ito sa Bulacan police.

Buti na lamang wala ang bagong Pampanga Police acting provincial na si Senior Superintendent Nicolas Salvador sa nasabing okasyon baka siya din hindi nito kilala si Corpus..

Kaya kayong mga bagong assigned sa Central Luzon, dapat mag-courtesy call kayo sa PRO-Central Luzon director at mga Staff Officer baka kayo susunod na masabon.

Nakakahiya ang nangyari pagsabon kay Bersaluna di po ba?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph