Nawawalang karapatan ng LGUs sa pagpili ng police directors

Nawawalang karapatan ng local government units (LGUs) sa pagpili sa mga provincial director (PD) at city director (CD).

Maraming mga police officer nagtatanong kung bakit nawawalan ng karapatan ang mga Governor at Mayor sa pagpili ng kanilang magiging police provincial or city police director.

Mayroon mandate ang mga governor na may karapatan silang pumili ng kanilang gustong maging provincial o city police director.

Ilan taon na rin hindi nasusunod ang ganito sistema na kung saan dapat magbibigay ng listahan limang senior superintendent sa mga governor ang regional police director.

Sa limang listahan na inirekomenda ng police regional director, ay doon mamimili ang governor kung sino sa kanila ang gusto nitong maging police provincial director.

Kapag naman sa chief of police, tatlong senior police officer ang ibibigay na listahan ng police provincial director sa mayor.

Ang ganito pagpili at listahan ay wala ng kabuluhan dahil ang nangyayari ay ina-appoint na lamang ng Philippine National Police chief ang gusto nitong maging police provincial director.

Ganito rin ang nangyayari sa mga chief of police, bigla na lamang mayroon iuupong hepe at hindi na dumadaan sa mga alkalde.

Sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, karamihan sa mga police regional director ay thru-appointment na lamang at hindi na dumadaan sa senior police officer placement board committee.

Basta gusto ng Pangulo iyong ang nagiging Police Regional Director.

Maging dito sa Central Luzon, na kung saan kamakailan naupong bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Bulacan police provincial office si Senior Superintendent Chito Bersaluna.

Mukhang walang ibinigay na limang listahan ng mga senior superintendent kay Bulacan Governor Whilhemino Alvarado-Sy na puwedi nitong gustong maging OIC.

Maging sa Pampanga, wala din ibinigay na limang listahan ng mga senior Superintendent kay Governor Lilia “Nanay” Pineda.

Bigla na lamang inupo bilang OIC si Senior Superintendent Nicolas Salvador.

Sa policy ng Department of Local Government (DILG) dapat magbibigay ng limang senior superintendents ang police regional director sa governor at doon siya mamili at kung wala itong mapili, magbibigay ng panibagong listahan ang regional police director.

Ang mandate ng LGU ay naglaho na parang bula sa pagpili ng magiging Police Provincila director.

Bakit kaya wala na bang karapatan ang mga Governor sa pagpili na gusto nilang maging Police Provincial director?

At maging mga senior superintendent nakatalaga sa Region ay na low-morale sa nangyayari sa PNP dahil appointment na lamang ang nasusunod?

Ano ba ang masasabi ng police regional director o maging ang PNP chief sa mandate ng LGU’s. Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph