Sapnu: Pampanga police masigasig sa kampanya ng droga

SA PAG-UPO ni Senior Superintendent Nicholas Salvador bilang officer-in-charge ng Pampanga Police naging siryoso ito sa kampanya laban sa illegal drugs sa lalawigan.

Ito’y napatunayan sa mga na-aresto ng Pampanga police sa mga drug suspek simula nang maupo si Salvador.

Nitong nakaraang Mayo 25, naaresto ng Pampanga police sa koordinasyon nito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Luzon, Pampanga Mobile Force Company si Ernesto Garcia sa Barangay Balucoc sa bayan ng Apalit.

Mayroon dalang search warrant nang i-raid ang bahay ni Garcia at nakarekober ang raiding team ng 65 gramo ng shabu nagkakahalagang PHP422,500.00, mga drug paraphernalia, isang kalibre .45 at isang granada.

Sang-ayon kay Salvador sa pagkakahuli ni Garcia, pinaniniwalaang nabuwag ng Pampanga police ang grupo nito.

Si Bonifacio Ramos, 44, alyas Bong ng Barangay Talang sa bayan ng Candaba ang naaresto sa isang buy-bust operation na kung saan aabot sas tatlong sachet ng shabu, isang Suzuki motorcycle at isang Samsung Tablet ang nakumpiska sa kanya.

Tatlong drug suspek naman ang nahuli sa Barangay Balucuc, Apalit. Sina Danilo Fernando, 48, Amor Bondoc, 43 at Arlene Castro ang naaresto ng Pampanga police. Narekober sa kanila ang pitong sachet of shabu at marked money.

Samantalang noong nakarang Mayo 20, limang drug suspek ang naaresto sa isang pinaniniwalaang drug den sa Barangay Quebiawan, City of San Fernando.

Kinilala ni Salvador ang mga naarestong suspek na sina Cyrus Ternate "Totoy” 37, may-ari ng drug den; Richard Benedicto, 45; Freddie Boy Bobos, 38; Joel Dizon, 36; and Jonrey Latib, 20, pawang residente ng nasabing barangay. Nakumpiska sa kanila ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga P102,000.00 at mga drug parapherenalia.

Sa pagkaka-aresto ng mga drug suspek sa lalawigan, nagpapatunay lamang na ginagawa ni Salvador ang kanyang trabaho.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph