SECTIONS
Thursday , June 21, 2018
PAMPANGA

Sapnu: Anim na hepe ang pinalitan

NOONG Lunes, anim na hepe sa lalawigan ng Pampanga ang pinalitan o sinibak ni Senior Superintendent Nicolas Salvador, Pampanga police acting provincial director.

Matatandaang isinulat ng inyong lingkod na inaasahang magkakaroon ng regidon o balasahan sa mga hepe sa Pampanga.

Kapag bago ang upong police provincial director, talagang inaasahan na ang gagawin nitong balasahan sa mga hepe.

Bago naman ipatupad ni Salvador ang balasahan kanyang titignan ang mga accomplishment ng isang hepe kung dapat itong manatili sa kanyang puwesto.

At kapag tumaas ang crime incidents sa kanyang area of responsibility at di naresolba ang mga ito, tiyak na mapapasama ito sa balasahan.

Halos may isang buwan na nakaupo si Salvador at kanyang pinag-aaralan o tinignan ang mga “accomplishment” at pagtaas ng crime incidents sa kanilang area of responsibility ang mga hepe sa lalawigan.

Kaya sa kanyang desisyon, anim na hepe ang sinibak o pinalitan nito dahil sa mga kadahilanan.

Ang anim na bagong upong hepe (OIC) ay sina Superintendent Levi Hope Basilio ng City of San Fernando; Superintendent Manny Calma ng Guagua; Superintendent Alfred dela Roca ng Candaba; Chief Inspector Jayson Constantino ng Sto. Tomas, Chief Inspector Michael Chavez ng Sta. Ana at Chief Inspector Reynaldo Manganti ng Macabebe.

Ang anim na bagong hepe ay naupo noong Lunes (June 11).

Inaasahan ni Salvador na magtatrabaho ang anim na bagong hepe at inaasahan nito ang magandang gagawin na “accomplishments.”

Abangan po natin ang mga “accomplishment” ng anim na bagong hepe...


VIEW COMMENTS