Sapnu: Mga traffic enforcer isailalim sa drug test?

DAPAT lang siguro isailalim sa drug test ang lahat ng mga Traffic Enforcer ng City of San Fernando.

Ito’y matapos mahuli ng Pampanga Police si Jonas Lingat, 31, residente ng Barangay Sta. Lucia ng naturang lungsod.

Sa isinagawang buy-bust operation ng Pampanga Intelligence Branch at City of San Fernando police laban kay Lingat noong Huwebes ay inaresto kaagad ito nang iabot umano ang droga sa poseur buyer.

Nakumpiska kay Lingat ang tatlong sachet ng shabu , isang cellphone, Hytera Transceiver radio, isang motorsiklo at P1,000 marked money.

Sang-ayon kay Senior Superintendent Nicolas Salvador, Pampanga police acting provincial director, si Lingat ay miyembro ng City of San Fernando Traffic Enforcer at itinuturing na High Value Target ng Lungsod.

Kaya naman ang panukala ng isang police officer, dapat lamang isailalim sa drug test ang lahat ng traffic enforcer ng lungsod.

Nadungisan ang mga traffic enforcer ng City of San Fernando dahil sa pagkakasangkot umano ni Lingat sa illegal drugs.

City Mayor Edwin Santiago ano po ba kaya ang masasabi ninyo sa pagkakasangkot at pagkakahuli ng inyong traffic enforcer? Nagtatanong lang po....

Ano naman po ang gagawin ninyo aksyon?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph