Sapnu: Pampanga police maganda ang accomplishments sa illegal drugs

NANG maupo si Senior Superintendent Nicolas Salvador bilang Pampanga Police acting provincial director, maganda ang naging accomplishments nito sa kampanya sa illegal drugs.

May ilang mga drug suspek ang napatay ng Pampanga police matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Samantalang hindi na rin mabilang ang mga naaaresto ng Pampanga police na mga drug suspek sa iba’t ibat bayan ng lalawigan.

Nitong nakaraang Martes lamang umaabot sas 10 drug suspects ang naaaresto ng mga police station sa lalawigan sa mga isinagawang buy-bust operation.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Joel Garcia, 33, at Marilou Razon, kapwa ng Guagua; Anthony Viray, 19, ng Macabebe; Gene Gerome Puno, 20, at Rizalino Cunanan, 30, kapwa ng Masantol; Abelardo Miclat, 39, at Trinie Miclat, 32, kapwa ng Mabalacat City; Rodelito Magat at Albert Nobo, 37, kapwa ng Minalin; at Ferdinand Mangalino, 31, ng St. Jude, City of San Fernando.

Nakumpiska sa kanila ang umaabot sa 24 sachets ng shabu, marked money at isang motorcycle.

Mukhang nagtatrabaho yata ang lahat ng mga chief of police ni Salvador at simula nang siya’y naupo maraming ng mga drug suspek ang nahuhuli.

  • Ang tanong dito, magkakasya kaya sa mga kulungan ang mga nahuhuling drug suspek????? Nagtatanong lang po....
Motornapping grabe na sa Angeles City

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph