Mendoza: Magplano bago gumawa, gawin ang plano

Director's Cut: (This portion features the thoughts of DepEd 11 Regional Director Susana Teresa B. Estigoy, CESO IV to all stakeholders and recipients of the efforts to improve the basic education) I do not consider my job as plain work -- rather it is my LIFE. "We have to continually examine what succeeds and fails, and why. We have to uphold and live true to our battlecry and slogan of governance: "Education For All (EFA) 2015: Karapatan ng Lahat, Pananagutan ng Lahat"

- o0O0o -

(Editor's Note: We are celebrating the National Language Month this August. As a tradition each year, this writer's column today is again written in Filipino).

Hayaan ninyong ibahagi ko ang talumpating ito na napanalunan ng aking anak sa isang patimpalak sa talumpati.

Ang pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas ay isang matibay na katibayan ng ating marubdob na paniniwala sa hinaharap. Isang hinaharap na hindi lang pinaniniwalaan subalit higit sa lahat itinatayo sa pamamagitan ng ating mga kamay.

Ayon sa pamosong manunulat na si Stephen Covey sa kanyang aklat na "Pitong Ugali ng mga Matatagumpay na Tao", ang isang ugaling dapat nating angkinin ay ang "Begin with the End in Mind", o "Mag-umpisang ang Katapusan ang Iniisip.

Sumasalamin dito ang pagsasaalang-alang ng kahihinatnan ng isang gawain bago ito umpisahan. Sa madaling salita, magplano muna bago magsagawa ng pagkilos at isagawa ang pagkilos ayon sa planong ginawa.

Mga kaibigan, bakit nga ba mahalaga ang pagpaplano at ano ang magiging kahihinatnan kapag walang nangyaring ganito?

Sa malakihang usapan, ito'y nakapagtataya ng tamang kilos, nakababawas ng peligro at pagkalugi sa isang negosyo, nakapagsasagawa ng tamang pagpapasya at higit sa lahat ito'y nakakatulong upang makamit ang tagumpay.

Ang pagpaplano ay nakapagbibigay ng tamang gabay sa mga gawain ng isang organisasyon. Ito'y nagbibigay ng kumpiyansa at pag-unawa kung saan patutungo ang isang gawain at upang makapagtalaga ng mga hakbangin sa ikatatagumpay nito. Ito rin ang tumutulong sa grupo upang makagawa ng alternatibong pagkilos kapag may hindi umayon sa naunang plano. Kung may pananaw sa hinaharap ang isang grupo, makapagsasagawa sila ng pagpapasya at makapagpapatuloy sa paggawa ng tamang pagkilos tungo sa tagumpay.

Matapos magplano, ang pagsasagawa nito ang magiging sandalan ng tiyak na pagpapanday ng kinabukasan ngayon.

Paano na ang pagkilos? Una, laging dapat na kontrolin ang sitwasyon hindi ang kabaligtaran nito. Maging bahagi ng solusyon at hindi ng problema.

Pangalawa, sa bawat pagsuong sa hamon ng buhay, isipin muna ang kahihinatnan nito bago isagawa. Sa ganung paraan, walang masasayang na sandali at bawat gagawin, wala o kokonti lang ang magiging problemang susuungin.

Pangatlo, unahin ang mahalaga at kailangan. Matapos mag-isip ng mga gagawin, panahon na upang isabuhay ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa mas dapat na unahing gawin.

Pang-apat, isipin ang makapagbibigay ng halos pantay na kalamangan sa bawat isa. Isang maling kaisipan ang 'manalo o matalo' kumpara sa maaari namang manalo ang bawat panig.

Panlima, isipin lagi ang kapakanan ng pinagsisilbihan bago ang sariling kaligayahan. Ito ang ginintuang batas na nagsasabing 'Kung anong gusto mong gawin sa iyo, gawin mo sa iba'.

Pang-anim, walang maaaring maging kapalit ang samasamang pagkilos. Ito ang halaga ng bugkos na walis tingting na dahil pinagsama-sama, maraming nalilinisan kumpara sa isang tingting na halos walang halaga.

Pampito at panghuli, gawing handa ang sarili sa lahat ng panahon sa pamamagitan ng pag-iisip ng pagpapaunlad ng lahat ng aspeto ng pagkatao. Walang dapat maging kapalit ang pagbibigay ng buong buo sa sarili sa bawat gawain.

Kaya, samasama nating buuin ang bukas --- NGAYON NA!

- o0O0o -

You can access DepED Updates, latest issuances and other relevant information through our website: http://www.deped.gov.ph. For comments, suggestions and/or contributions, email me at renzthescribe@gmail.com. or visit http://renzmendoza.multiply.com. for photos and other relevant information. For queries, complains and other concerns, call DepED Region 11 at (082) 227-9342 or fax to (082) 227-1102 and (082) 221-6147.

*****

Mr. Lorenzo E. Mendoza, M.A. is connected with DepEd Regional Office 11 and currently on study leave.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph