Matuwid na landas, tahakin na
-A A +AThe Scribe's Corner
Sunday, August 5, 2012
(Note from the writer: Dahil ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika ngayong Agosto, muli akong magsusulat sa kolum na ito gamit ang Wikang Filipino na pinagsamang mga pangunahing wikain sa bansa. Mabuhay ang Buwan ng Wikang Pambansa.)
DIRECTOR'S Cut: (This portion features the thoughts of DepED Regional Director Susana Teresa B. Estigoy, CESO IV to all stakeholders and recipients of the efforts to improve the basic education) I do not consider my job as plain work -- rather it is my LIFE. "We have to continually examine what succeeds and fails, and why. We have to uphold and live true to our battle cry and slogan of governance: "Education For All (EFA) 2015: Karapatan ng Lahat, Pananagutan ng Lahat."
Ilang palit na nga ba ng pamunuan tayo? Hindi na mabilang sa daliri. Ganap na ba nating masasabi na tayo'y nakaaangat na kung ikukumpara sa ating mga ninuno?
Sa palagay ko marami ang magsasabi na hindi. Bagamat mararamdaman natin at makikita nga ating mga mata ang mga pagbabagong dulot ng makabagong teknolohiya ngunit ito'y panlabas lamang na hitsura ng pag-unlad. Mahalaga pa rin dito ang tayo'y may maayos na tahanan, pagkaing pinagsasaluhan araw araw, gamot kung magkakasakit at iba pang batayang pangangailangan.
Ngunit bakit hindi tayo makaangat-angat? Masipag naman at masinop ang karaniwang Pilipino. May pagpapahalaga naman tayo sa ating pamilya. Hindi pa ba sapat ang dami ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya upang masabing nagsisikap tayo para umunlad?
Hindi naman natin masasabing mahirap ang ating bansa dahil mayaman tayo sa likas na yaman. Ang nakapagtataka, bakit hindi pa rin natin maabot ang minimithing kaunlaran.
Matatandaang sa panahon ni dating Pangulong Ramos, naging "tiger cub" na ang ekonomiya ng bansa dulot ng malawakang kampanya ng dating pangulo ng "people empowerment." Ang hindi maalis-alis na kahinaan ng mga Pinoy kaya tayo nananatiling mahirap ay ang pagiging isip talangka natin o crab mentality at ang malawakang korupsyon sa pamahalaan.
*****
Dahil dito, nakasilip ang ating mga kababayan na may pag-asa tayong makaahon bunga ng kampanya ng kasalukuyang Pangulo natin sa pagtahak sa daang matuwid.
Makikita natin ang sinseridad ng Pangulo na makatulong sa lahat sa pamamagitan ng kanyang pagpili ng Wikang Filipino bilang midyum ng kanyang mensahe sa bayan o ang Sona.
Kaysarap pakinggan at napakadaling intindihin ang sinasabi ng ating Pangulo gamit ang ating wika. Ito'y nagpapatunay lamang ng kanyang matibay na paniniwala sa kakayahan ng mga Pinoy na makaahon na sumusunod sa kanyang pamumuno bilang halimbawa.
Kalugod-lugod na ang ating ama sa Pilipinas ang nangunguna sa pagtataguyod ng ating sariling wika. Ito'y nagpapatunay lamang na nakita na ni Pnoy ang kahalagahan ng pagkakaintindihan ng bawat isa gamit ang ating wika upang lubos na maipaabot sa kanyang nasasakupan ang gusto niyang ibahagi na mensahe.
Kung ginagawa ito ng ating Pangulo, wala tayong dahilan upang hindi sumunod. Magkaisa tayong itaguyod ang ating sariling wika upang ito'y magsilbing gabay natin at pagkukunan ng lakas sa pagtahak sa tuwid na landas.
*****
You can access DepEd Updates, latest issuances, photos and other relevant information through our website: http://www.deped.gov.ph and our Facebook Page: http://www.facebook.com/deped.regionxi. For comments, suggestions and/or contributions, send you email to deped_roxi@yahoo.com. For queries, complains and other concerns, call DepEd-Davao Region at (082) 227-9342 or fax to (082) 227-1102 and (082) 221-6147.
Published in the Sun.Star Davao newspaper on August 06, 2012.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
