Kilos na, kabataang Pinoy

-A A +A

By Lorenzo E. Mendoza

The Scribe's Corner

Sunday, August 19, 2012

DIRECTOR’S Cut: (This portion features the thoughts of DepEd-Davao Regional Director Susana Teresa B. Estigoy, Ceso IV to all stakeholders and recipients of the efforts to improve the basic education) I do not consider my job as plain work -- rather it is my LIFE. “We have to continually examine what succeeds and fails, and why. We have to uphold and live true to our battlecry and slogan of governance: “Education For All (EFA) 2015: Karapatan ng Lahat, Pananagutan ng Lahat”

- o0O0o –

(Writer's Note: We are celebrating the National Language Month this August. As a tradition each year, my column today is again written in Filipino. This was already published last year but the relevance of the message still applies nowadays.)

Bangon kabataang Pinoy, ngayon na!

Ilang dekada na ba ang nagdaan o upang mas lalong tiyak, dumaan na ang isang siglo nang sabihin ni Gat Jose Rizal na tayong mga kabataan ang pag-asa ng Bayan.

Ito ba'y naitanim na natin sa ating isipan? Tayo ba'y ganap nang handa upang buong giting at walang pag-aalinlangan natin sabihing, "Opo, handa na po kaming isulong ang inyong adhikain para sa bayan!

Hindi madali ang mangako subalit mas lalong hindi naman mahirap gumawa ng mga bagay na magpapaangat ng ating kakayahan bilang kabataaang Pilipino.

Likas sa atin ang pagiging malikhain, ang pagiging matatag sa gitna ng krisis, sakuna at trahedya kaya hindi mahirap na tayo'y maging Pilipinong maipagmamalaki hindi lamang ng ating mga magulang kundi maging ng mga susunod pang henerasyon.

Kailangan lang nating isantabi ang ilan sa ating mga baluktot na ugali at maling paniniwala upang ganap tayong makatakas sa anino ng kahapong pilit na nagiging tanikala ng ating pagkaalipin sa kahirapan at pagwawalang-bahala.

Isang kilalang dalubhasa sa pamumuno, si Brent Filson ang nagsabing saka lang natin malalaman kung gaano tayo kagaling na pinuno kapag ating napamunuan ang mga taong mag-isip ng mas mataas kaysa sa tingin nila sa kanilang sarili.

Bakit hindi natin sundin ang sinabi ni Noel Cabangon sa kanyang awitin tungkol sa pagiging isang mabuting Pilipino. Nagbabayad ng buwis, tumatawid sa tawiran, sumasakay sa tamang sakayan at bilang kabataan, nagsisikap sa pag-aaral at hindi gumagamit ng bawal na gamot.

Ang paglalakbay tungo sa ilang libong milya ay nagsisimula sa unang hakbang. Kung hindi natin kaya ang mga simpleng gawain ng isang ordinaryong tao o kabataan, huwag tayong umasam na ating makakamit ang ating pinapangarap

Ika nga upang makakita ng pagbabago, maging instrumento muna ng pagbabago. Higit sa salita na marami sa atin ay siyang ginagawa, ang pagkilos ang siyang magdadala sa atin sa rurok ng tagumpay.

Sabi nga ng Panginoon, "Kilos tao at tutulungan kita". Walang sinuman ang mag-aangat sa atin kundi tayo. Maraming mag-aalay ng tulong subalit higit diyan ang ating dapat gawin, tayo mismo ang magkusa at huwag umasang abot kamay ang tagumpay sa taong nakatunganga.

Hindi ba't masarap sa pakiramdam na dahil sa ating angking galing mula sa ating pagsisikap na ito'y marating ay pag-agawan tayo ng mga taong gustong maging bahagi ng ating pagsisikap kaysa doon sa halos isuka na dahil sa walang ginawa kundi sirain ang sarili.

Huwag tayong matakot na maging tampulan ng tukso kung alam nating nasa tama tayong daan. Itakwil man tayo ng ating mga kinikilalang kaibigan, hindi ito dapat maging dahilan upang panghinaan tayo ng loob sa ating ipinaglalaban tungo sa isang matagumpay na mamamayang Pilipino at bansang Pilipinas.

Tayo ang kabataan, tayo ang kinabukasan, ikaw, ako tayo ang maghahanda ng ating kinabukasan hindi bukas, sa makalawa o sa isang linggo --- kundi NGAYON.

Kaya kabataan, tayo na, kilos na!

Ngayon na!

- o0O0o -

You can access DepEd Updates, latest issuances and other relevant information through our website: http://www.deped.gov.ph. For comments, suggestions and/or contributions, email me at renzthescribe@gmail.com. For queries, complains and other concerns, call DepED Region 11 at (082) 227-9342 or fax to (082) 227-1102 and (082) 221-6147.

Published in the Sun.Star Davao newspaper on August 20, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
Marginal Lives

FOREX: US$ 1.00 = PhP 43.103

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4518-41-25-24-16-37
4Digit9-7-4-8
Swertres Lotto 11AM2-5-7
Swertres Lotto 4PM1-9-8
Swertres Lotto 9PM6-5-1

Today's front page

Sun.Star Davao's front page for June 20, 2013

Other front pages

  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • SunStar Sports
  • Sinulog
  • kidsters
  • SunStar Celebrity
  • Calamity Report
  • Obituary
  • Technology
  • tell it to sunstar
  • Pnoy
  • ePaper
  • Pacman blog
  • Festivals
  • Habemus Papam
Sun.Star Jobs