Aquino: No fireworks for children
-A A +AFriday, December 31, 2010
PRESIDENT Benigno Aquino III reminded parents to keep their children away from firecrackers on New Year's Day revelry.
Aquino echoed the campaign of the health department, asking parents to stop their children from using firecrackers.
As of early Friday, firecracker-related injuries surpassed the 200 mark where most of the victims were children below 10 years old.
Below is the full transcript of the reminder of President Aquino to parents on the eve of New Year:
"Mga magulang, sa mga panahong ito, tumataas na naman ang mga kaso ng putol na daliri, pagkabulag, pagkalason, mga nasusugatan at nasusunugan nang dahil sa paputok at luses.
Ang malungkot dito, mas maraming mga batang sampung taong gulang pababa ang nadidisgrasya sa paggamit ng paputok, lalo na sa mga ipinagbabawal na natin dahil hindi ito angkop sa ating mga pagdiriwang.
Huwag po sana nating sirain ang magandang kinabukasan ng ating mga anak. Ilayo po natin ang mga bata sa mga paputok at sa mga gumagamit nito.
Panandaliang aliw lamang po ito na maaaring magdulot ng habambuhay na pinsala sa mga bata. Ang pagmamatyag natin ay bahagi ng pag-aaruga, upang maiwasan ang mga pangyayaring maaari nating pagsisihan.
Maligayang bagong taon po sa atin lahat; salubungin sana natin ito nang puno ng pag-asa at malayo sa disgrasya." (Jill Beltran/Sunnex)
Local news
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!




