Aquino: Ano ang Cholera?

-A A +A

Tuesday, July 20, 2010


MARAMING sakit ang idinudulot ng maruming kapaligiran. Isa na sa mga ito ang cholera.

Ang cholera ay isang malalang impeksyon na dulot ng baktiryang vibrio cholerae. Ang naaapektuhan ng nasabing baktirya ay ang maliliit nating bituka at ang pangunahing senyales na ang isang tao ay mayroong cholera ay ang pagkakaroon ng madalas at matubig na pagdumi na may kasamang pagsusuka.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Advertisement

Ang mga sintomas na ito ay agad na naoobserbahan at nagsisimula hanggang limang araw pagkatapos maimpeksyon ang pasyente ng vibreo cholerae.

Ang pagkakaroon ng cholera ay dahil sa pag-inom ng tubig na kontaminado ng malupit na baktiryang ito. Bukod sa maruming tubig, maaari ring magmula ito sa anumang pagkain na hindi maayos at malinis ang naging paghahanda. Ang madalas ng pagdumi at pagsusuka ay nagiging sanhi ng dehydration o pagkaubos ng tubig sa katawan.

Kung hindi maagapan ang pagkaubos ng tubig sa katawan o severe dehydration, maaaring humantong ito sa kamatayan ng pasyente.

Huwag nating ipagwalang-bahala ang sakit na ito. Gaya ng lagi kong ipinapayo, ang pinakamabuting lunas ay pag-iwas. Iwas na sa gastos, iwas pa sa malaking abala sa pagpapagamot. Narito ang ilang paalala para makaiwas sa cholera:

· Palagiang maghugas ng mga kamay lalung-lao na sa mga naghahanda ng pagkain.

· Sakaling isa sa pamilya ang nagkaroon ng cholera, maghugas ng mga kamay pagkatapos hawakan ang isang pasyente o pagkatapos na sila ay pakainin o painumin ng gamot. I-disinfect din ang mga gamit ng pasyente.

· Siguruhing malinis ang iinuming tubig at ang pinanggalingan nito. Makabubuting pakuluan ang tubig na iinumin upang masigurong malinis ito.

· Pakuluan ang mga gamit sa pagkain kung sakaling mayroong may cholera sa pamilya.

Kung mararatay sa mga accredited hospitals dahil sa cholera, ito ay binabayaran ng PhilHealth bilang Case Type A o ordinary case. Ang cholera ay maaaring bayaran bilang Case Type B kung sakaling ito ay cholera with severe dehydration. Sa Case Type A na na-confine halimbawa sa isang accredited tertiary hospital, ang miyembro ay maaaring maka-avail ng P400/day sa room and board, hanggang P3,000 para sa mga gamot, at hanggang P1,700 naman sa X-ray at mga laboratoryo.

Kung Case Type B sa isang tertiary hospital, maaaring maka-avail ng P400/day sa room and board, hanggang P9,000 sa mga gamot, at hanggang P4,000 sa X-ray at mga laboratoryo.

Dapat lamang na updated ang kontribusyon at ang Member Data Record ng miyembro para mabayaran ito ng PhilHealth. Pero bakit pa natin hihintaying maratay ng dahil sa cholera kung maaari naman itong maiwasa? Simpleng kalinisan lamang ng sarili, sa kinakain at ng ating kapaligiran ang susi para maiwasan ito.

Ngayong Biyernes sa Hataw. Ano ba ang flu or trangkaso? Bakit ba may mga panahong sinasabing uso ang trangkaso? Ito ang ating pag-uusapan sa PhilHealth, Hataw sa Serbisyo ngayong Biyernes, Hulyo 23, 2010, 10:00 – 10:30 ng umaga sa dwIZ 882 KHz AM kasama sina dwIZ news director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.

Aquino ano ang cholera

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 45.119

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4913-41-05-28-46-11
Swertres Lotto 11AM3-0-9
Swertres Lotto 4PM5-5-3
Swertres Lotto 9PM5-8-0
EZ2 Lotto 9PM14-15
More results

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for November 22, 2014

Other front pages

Sun.Star Jobs