Pampanga - Season header theme

Aquino: Creating a home environment that is safe, healthy and productive for our kids

By Rey B. Aquino

Tuesday, July 27, 2010

DO YOU know that injury is the leading cause of death among children and youth? What is even more surprising is the fact that most of these injuries occur in our homes.

According to the 2004 Philippine Health Statistics, injuries are the fourth leading cause of mortality in the Philippines, with an estimated 41 deaths for every 100,000 population. However, among young Filipinos, it is ranked as the first leading cause of death.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Data from the Philippine National Injury Survey and the National Electronic Injury Surveillance System revealed that drowning, road traffic accidents, falls, poisoning, and burns account for 59 deaths for every 100,000 Filipino child aged below 18 years.

There is indeed an alarming need among us parents to act in order to ensure the health and safety of our children. Dapat itong magsimula sa mga sarili nating bahay at bakuran.

Physical environment. Ang ating mga anak ay karaniwang nasasaktan (injured) at maaaring ikasawi nila dahil sa mga hazards na makikita sa kapaligiran. Kaya naman ang home safety ay isa sa mga dapat nating tingnan at isasalang-alang.

Always look at your home from a child’s point of view. Get down on the floor and look up. May mga drawer o cabinets ba na maaaring buksan ng maliliit nating tsikiting? May mga maliliit bang bagay na maaari nilang maabot at isubo? Mayroon ba silang maaaring hawakan at hilahin pababa na maaaring bumagsak sa kanila?

Reduce toxins in your homes. Magsimula sa mga ginagamit nating panlinis na nagtataglay ng mga kemikal na maaaring makaapekto sa immune system nila. Maging vigilant ‘ika nga. Lagi tayong magbasa ng mga label o kumunsulta sa mga eksperto. Gaya ng nasabi ko na nuong nakaraang kolum, ilayo ang mga ito at itabi sa mga lugar na hindi maaabot o mabubuksan ng mga bata.

Children need furniture that fits. Sumasaya at nagiging produktibo ang mga bata kapag supportive ang mga furniture o kagamitan sa kanilang mga pangangailangan. Maaaring mag-invest sa mga kagamitang magpapaunlad ng kanilang mga kakayahan na madadala nila hanggang sa paglaki. Halimbawa ay ang mga angkop na laruan, maliliit na mesa, bangko, plato at kubyertos na sukat sa kanilang laki (o liit) at kakayahan.

Pay extra attention to your child’s needs. Ang pagkapinsala ay karaniwang nangyayari sa mga lugar na hindi sila pamilyar. Walang pagtatalo… sila ay dapat na laging bantayan dahil sa tuloy-tuloy nilang paglaki at pagkatuto.

Emotional environment. Kung may pisikal na kapaligiran ay mayroon ding tinatawag na kapaligirang emosyonal na sinasabing mas maselan. Mahihirapan tayong isustena ang kanilang pagnanais na matuto kung hindi sila makadarama ng emotional safety.

Ayon sa mga pag-aaral, kailangan nilang maging ligtas sa malupit at hindi makatuwirang pagpuna, pamamahiya at panlalait. Makakatulong ang mga sumusunod para makamtan natin ito para sa mga bata:

o Pakinggan natin sila nang hindi kinokontra.

o Ibunsod natin sila na magbukas at magpahayag ng kanilang naiisip at nararamdaman. Iparamdam natin na sila ay espesyal at ang sasabihin nila ay mahalaga sa atin.

o Alamin din kung ano ang mga pangarap ng inyong mga anak. Kung ano ang gusto nilang maging paglaki. Ipakita natin sa kanila na interesado tayo na maabot nila ang mga iyon.

o Linawin sa kanila ang mga tuntunin na dapat nilang sundin at ipatupad ito ng may pagmamahal at malasakit.

o Ipadama sa kanila na sila ay tanggap natin ano man ang kanilang mga kahinaan o maging kapansanan.

o Ipadama rin na sila ang mas mahalaga sa atin sa halip na sa kanilang mga nagawa.

Finally, make them feel loved and wanted. Let us impress upon them the feeling of belongingness. Kapag naramdaman nila na sila ay minamahal at tinatanggap, sila ay lalaking mabubuting mamamayan.

Ngayong Biyernes sa Hataw. Ang dengue ay nakakatepok! Ito ang ating alamin at talakayin ngayong Biyernes, Hulyo 30, 2010 sa PhilHealth, Hataw sa Serbisyo mula 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ kasama sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.

Tuesday, February 14, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4541-04-01-07-13-06
4D Luzon3-0-8-3
4D Vismin3-0-8-3
Swertres Lotto 11AM6-8-7
Swertres Lotto 4PM1-7-3

Weather

Metro Manila

Mostly cloudy with scattered rainshowers & thunderstorms
23°C to 30°C
Moderate
East

Manila Bay:
Moderate

Easterlies affecting the Eastern section of the country. Meanwhile, a Low Pressure Area (LPA) was eastimated at 1,200 km East Southeast of Southern Mindanao (4.0°N, 138.0°E). It is expected to enter the PAR within the next 24 hours.

PAGASA

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for February 14, 2012

Other front pages