Kamandag ni Bantay Nakamamatay

-A A +A

Wednesday, March 23, 2011


DOGS are said to be man's best friend. Tuwing bakasyon, madalas na libangan ng mga bata ang pakikipaglaro sa kanilang mga alagang hayop na aso at pusa. Kung minsan, ang mga ito ay hindi pa nababakunahan, kaya sila ang mga may pinakamataas na panganib na makakuha ng rabies.

Sa liblib na lugar kung saan malayo ang mga ospital, dinadala na lamang ang pasyente sa albulario para ipagamot, subali't lingid sa kanilang kaalaman, ito ay maaaring magpalala pa sa kalagayan ng pasyente.

Almost every year, it is estimated that rabies kills around 55,000 people worldwide, of which 57 percent reportedly occurs in Asia. Sa Pilipinas na lamang, mula Enero hanggang Oktubre noong nakaraang taon, ang Kagawaran ng Kalusugan ay nakapagtala ng 264 bilang ng human rabies cases, kung saan 206 na ang namatay dahil sa virus na naisalin sa biktima sa pamamagitan ng laway ng hayop na may impeksyon. Nitong Pebrero, may 31 na ang namatay dahil sa rabies sa Region 5, at daan-daan pa ang nabibiktima dahil sa kagat ng mga asong kalye na kilala sa tawag na askal.

Advertisement

What is rabies? Is it transmitted only through the bite of an infected animal? Ang rabies ay dulot ng isang virus na nagmumula sa kagat o laway ng isang hayop o tao na tagapagdala ng rabies.

Anu-ano ang mga sintomas ng biktima ng rabies? Ang pangunahing sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, ubo o sore throat, pananakit ng katawan, pangangati at pamamaga sa bahagi ng kagat, pananakit ng tiyan, anxiety at agitation. Habang tumatagal, ang pasyente ay nagkakaroon ng mga hallucinations, delirium, pagkatakot sa tubig (hydrophobia), sa hangin (aerophobia), muscle spasms sa bahagi ng mukha at leeg, seizures, paralysis, coma at heart and respiratory failure.

Ang sakit na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunang lunas o first aid sa nabiktima ng kagat. Kung may malay ang biktima, itanong kung saang bahagi siya kinagat. Kung walang malay, hanapin ang kagat, at linisin ito ng mabuti gamit ang tubig at sabon ng at least 15 minutes. Makatutulong ito upang pigilan ang pagkalat ng impeksyon at agad magpakonsulta sa duktor. Huwag din kalimutang kunin ang pangalan at address ng may-ari ng hayop para maging madali ang koordinasyon. Makipagtulungan din sa pinakamalapit na animal bite center para malaman kung ano ang nararapat na aksyon para sa nahuling hayop at para mabigyan ng babala ang komunidad para sa kanilang kaligtasan. Laging tatandaan na iparehistro at ipabakuna ang mga alagang hayop sa mga animal clinics dahil ito ay ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa sakit na ito.

May proyekto ang DoH National Center for Disease Control and Prevention tungo sa "Rabies-Free Philippines by 2020." Naging matagumpay ang kanilang kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pagiging isang responsible pet owner.

Ang involvement ng local community at ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa rabies prevention ay mahalaga rin. Isa ang Bohol sa nagtagumpay sa proyektong ito noong 2009: dahil sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga foreign donors, naging Rabies-Free ang lalawigan nang walang naitalang namatay dahil sa rabies.

Ngayong Biyernes sa "PhilHealth Hataw sa Serbisyo": Pag-uusapan namin ang Burn Injuries dahil Fire Prevention Month ngayon. Abangan ang aming talakayan nina dwIZ News Director Ely Aligora at seasoned host Marou Sarne sa DWIZ 882 KHz-AM, 10:00-10:30 a.m.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on March 24, 2011.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for December 20, 2014

Other front pages

Sun.Star Jobs
  • goodearth
  • Sinulog
  • Habemus Papam
  • Sunstar Multimedia
  • ePaper
  • SunStar Celebrity
  • tell it to sunstar
  • Calamity Report
  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • Pacman blog
  • Festivals
  • Sun.Star Zup!
  • Pnoy
  • Obituary
  • Technology