Handheld radio, epektibo
-A A +ABy Ric Sapnu
Wednesday, July 6, 2011
MATAGAL na ring hindi ginagamit ng Philippine National Police (PNP) personnel ang kanilang mga handheld radio transceivers.
Kung tutuusin, ang mga handheld radio transceivers ang pinakamabilis at epektibong komunikasyon na maaaring gamitin ng PNP.
Ito ang ipinahayag ni Chief Superintendent Valiant de Guzman, Police Regional Office-3 (PRO3) deputy regional director for administration, sa naging obserbasyon nito. Sa ngayon ay puro cellular phones ang ginagamit ng mga PNP personnel sa halip na mga handheld radios.
"Ang nakikita ko ngayon, halos lahat ng mga police officers ay cellular phones ang gamit," pahayag ni De Guzman sa Dateline.
"Wala na akong nakikitang gumagamit ng handheld radio transceivers sa kasalukuyan, na kung tutuusin ay mabisa, epektibo at mabilis na komunikasyon kahit saan ka pa," ayon pa kay De Guzman.
Ang mga handheld radio transceivers, ani De Guzman, ang pinakamabilis na komunikasyon para sa koordinarsyon sa ibang PNP personnel, lalo na sa paghabol sa mga lawless elements.
Sa handheld radios, mabilis din makapag-transmit ng komunikasyon sa mga PNP checkpoints kung mayroon mang hinahabol na mga kriminal, dagdag pa ni De Guzman.
Ang mga handheld radio transceivers ay maaaring maging "basic police communication," ayon pa kay De Guzman.
Sa mga handheld radios ay hindi ka na magagastusan na bumili ng load, samantalang sa cellular phone ay halos araw-araw ka magagastusan ng load.
Ang magiging problema mo lang sa radio ay kapag low-bat ka na.
Sa pamamagitan ng handheld radio, madali ka ring makipag-koordinasyon sa mga mobile patrol lalo na kapag mayroon kang tinutugis na mga kriminal.
Sang-ayon pa kay General Guzman, noong Philippine Constabulary pa ang PNP ay karamihan sa mga pulis ay handheld radio ang gamit.
Ngayon nauso ang cellular phones, mukhang nawala na ang mga handheld radio bilang komunikasyon ng PNP. Nagtatanong lang po.
Mga ilan na lamang ang gumagamit ng radio communication na nakikita ng Dateline - hindi lahat ay mayroon ito.
Sana, ayon kay General De Guzman, sa halip na mga cellular phones ang ibinibigay ng mga local government units sa PNP ay bakit hindi na lang "handheld radio transceivers"?
Alam ko na medyo may kamahalan ang handheld radio pero ito ang pinakamabisang komunikasyon kumpara sa mga cellular phone, pahayag pa ni De Guzman.
Sana ibalik natin ang mga handheld radio transceiver bilang komunikasyon.
VK, rampant
Sa pagbubukas ng klase nitong Hunyo, nagkalat na naman ang mga video karera (VK) na malapit sa mga eskuwelahan.
Inaasahan na naman ng may-ari ng mga VK machine na mga students ang kanilang parokyano lalo na iyong mga elementary at high school students.
Ito ang ikinatatakot ng mga magulang dahil sa halip na papasok sa klase ang kanilang mga anak ay doon sa VK sila nag-aaaral.
Kaya nananawagan ang mga magulang na sana alisin ang mga VK machine lalo na iyong malapit sa mga paaaralan.
Sana ma-aksyunan kaagad ito, pahayag ng mga magulang.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 07, 2011.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
