Basag Kotse Gang Strikes Again

-A A +A

Sunday, July 17, 2011

TALAGA yatang paboritong target ng mga miyembro ng Basag Kotse Gang ang City of San Fernando.

Matatandaang ang grupong ito ay marami nang naging biktima na taga-Pampanga, partikular mga Fernandino.

Karamihang nangyayari ang nasabing krimen tuwing gabi sa mga nakaparadang behikulo sa mga restaurant at iba pang establishments.

Mayroon na ring ilang buwan ang nakakaraan, ilan sa mga sasakyang nabiktima ng Basag Kotse Gang ay nakaparada halos sa kahabaan ng Lazatin Boulevard sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

At ang mga behikulong nagiging biktima ay natatangayan ng laptop, mga baril at maging cash, batay sa police report.

Nitong nakaraang Linggo (July 10), isang senior police officer ang naging biktima ng Basag Kotse Gang sa parking lot ng Walter Mart Supermarket sa Barangay San Agustin, CSF.

Sang-ayon sa report ni Superintendent Luisito Magnaye, hepe ng CSF police station, dakong 12:30 nang ipinarada ni Senior Superintendent Mario dela Vega ng St. Jude Village, Barangay Dolores, ang kanyang Chevrolet Avalance (XNU-140) sa harapan ng canopy parking lot ng Walter Mart.

Kasama ni Dela Vega ang kanyang maybahay at nag-shopping ang mga ito sa loob ng Walter Mart.

Dakong 2:40 ng hapon nang matapos mag-shopping ang mag-asawa at nang balikan ang kanilang behikulo, laking gulat ng mga ito nang mapansin nila na ang kaliwang rear window ay basag na.

Sa report ni Dela Vega sa pulisya, ang kanyang bag na naglalaman ng isang Glock .40 caliber pistol at isang .9mm caliber pistol ay nawawala at natangay ng miyembro ng Basag Kotse Gang.

Kaagad nagsumbong si Dela Vega sa mga security guard ng Walter Mart na wala namang maibigay na magandang rason.

Napag-alaman na ang CCTV camera ng Walter Mart na naka-install ay hindi naka-focus sa pinag-paradahan ng sasakyan ni Dela Vega. Kaya tuloy hindi nakunan ang buong pangyayari sa parking lot nito.

Para saan ba ang CCTVs na inilagay ng Walter Mart e wala naman palang silbi ang mga ito? Nagtatanong lang po.

Napag-alaman din na nakasuot umano ng camouflage si Dela Vega nang mag-shopping sa Walter Mart. Nakita siguro siya ng mga miyembro ng Basag Kotse Gang at nanghinala na mayron itong dalang baril.

Wala nagawa si Dela Vega sa nangyari sa kanya kundi ireport na lamang sa pulisya ang insidente.

Kahit na pala masyadong mahigpit ang mga Security Guard ng Walter Mark ay hindi pa rin "secure" ang iyong behikulo sa loob ng kanilang parking lot.

Kuntodo pa naman sila sa paghihigpit sa mga pumapasok na motorista sa Walter Mart pero wala naman palang katiyakan na “secured" ang iyong sasakyan sa mga masasamang elemento.

Ang tanong dito, bakit kaya walang guard noong araw na iyon na nag-iikot sa parking lot ng Walter Mart? Ang mga ito ba ay natutulog sa pansitan? Nagtatanong lang po.

Sana maging leksyon sa management ng Walter Mart ang nangyari kay Dela Vega at hindi na ito maulit. Baka pagdating ng araw e matakot nang pumasok sa inyong supermarket ang mga Fernandino at wala ng mamili.

Maging ang SM City Pampanga at Robinsons Starmills ay dapat maging mahigpit na rin sa kanilang parking lot upang maging secure ang mga sasakyan ng kanilang mga shoppers.

Kung palagi na lamang nangyayari ang ganitong insidente a baka magdalawang-isip ang mga shoppers na mag-shopping sa inyong establishments.

Dapat siguro bigyan ng pansin ng CSF police station ang lumalalang nangyayaring insidente na kinabibilangan ng Basag Kotse Gang.

Nanawagan naman si Magnaye na huwag ng mag-iwan ng mahahalagang gamit o cash sa loob ng behikulo para hindi maghangad ang Basag Kotse Gang.

McDonalds-Intersection, Mabagal ang Serbisyo?

Noong Biyernes 10:10 pm ay isang ginang ang pumasok sa McDonalds sa may intersection upang kumain ito.

Gutom na gutom ang ale nang dumating ito sa McDonalds upang umorder ng kanyang pagkain.

Nguni't halos umabot ito ng 40 minuto ay hindi pa ito nakaka-order ng kanyang pagkain dahil sa haba at mabagal na serbisyo umano ng nasabing food chain.

Ang dahilan, dalawa lamang ang bukas na cashier noong gabi na iyon. Ang sagot ng kanilang supervior ay kapag gabi na raw ay dalawa lamang ang binubuksan nilang cashier.

Dapat sa ganitong sitwasyon ay nagdedesisyon na ang supervisor na magbukas pa ng isa o dalawang cashier dahil marami na mga kustomer nila na nakapila.

Kaya sa inis ng iba, ilang kustomer ng McDonalds ang umalis na lamang dahil sa haba ng pila.

Sana bigyan ito ng pansin ng management ng McDonalds sa intersection upang hindi na maulit ang ganitong kabagal na serbisyo, ayon sa mga kustomer.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 18, 2011.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.508

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

sunstar-pampanga-2013-05-24

Other front pages

  • Habemus Papam
  • Pnoy
  • Obituary
  • Pacman blog
  • SunStar Sports
  • ePaper
  • Calamity Report
  • kidsters
  • Philippine Polls
  • Technology
  • Sinulog
  • SunStar Celebrity
  • Filipino Abroad
  • Festivals
  • tell it to sunstar
Sun.Star Jobs