Pampanga - Season header theme

Aquino: ‘PhilHealth’s Maternity Care and Newborn Care Packages’

By Dr. Rey B. Aquino

PhilHealth Corner

Wednesday, September 21, 2011

SA PAGPAPATULOY po ng ating pagtalakay sa bagong paraan ng pagbabayad ng benepisyo ng PhilHealth na tinatawag nating “case rates” sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 011-2011, tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa Maternity Care at Newborn Care Packages.

Ito ay bilang suporta ng PhilHealth sa commitment ng bansa na mapababa ang maternal at infant mortality rates at mapabuti ang maternal health at newborn care alinsunod sa Millennium Development Goals.

Have something to report? Tell us in text, photos or videos.

Maternity Care Package

Ang maternity care package sa ilalim ng Circular 011-2011 ay nagkakahalagang P8,000 kung ito ay ginawa sa mga accredited non-hospital facilities katulad ng lying-in clinics, maternity clinics, birthing homes at rural health units. Ang “No Balance Billing” ay i-aapply sa lahat ng mga miyembro na nanganak sa mga nabanggit na pasilidad. Ang ibig pong sabihin ay wala na pong babayarang ibang gastusin ang mga miyembro dahil sagot na po ng PhilHealth ang kanyang bayarin sa halagang P8,000, kasama na ang bayad sa doktor at sa pasilidad. Ang pasilidad ay direktang babayaran maliban na lamang sa mga gastusin katulad ng prenatal care fee na puwedeng ibayad sa miyembro o pasyente.

Samantala, kung ang pasyente na nanganak ng normal sa accredited MCP providers ay nangangailangan ng emergency obstetric services at kinakailangan na ilipat sa mas malaking pasilidad, ang nasabing MCP provider ay babayaran ng buo at ang ospital na pinaglipatan ay babayaran depende sa serbisyo na kanyang ibinigay. Subalit kung ito ay hindi naman nanganak sa MCP facility dahil sa kumplikasyon, ang MCP facility ay babayaran sa halagang katumbas ng ten percent ng facility fee o sa halagang P650 para sa ibinigay na serbisyo.

Halimbawa, kapag ang isang miyembro ay nanganak sa isang lying-in clinic, at ito ay nangangailangan ng emergency obstetric services, ang nasabing lying-in clinic ay babayaran sa halagang P8,000 at ang pinaglipatang ospital ay babayaran base sa serbisyong ibinigay ng ospital. Subalit, kung ang isang miyembro naman na dinala sa nasabing pasilidad ay hindi nanganak at kinakailangan na ilipat sa mas malaking ospital dahil sa komplikasyon, ang lying-in clinic ay babayaran sa halagang P650.00 para sa serbisyong ibinigay.

Normal Spontaneous Delivery

Ang Normal Spontaneous Delivery (NSD) ay tumutukoy sa panganganak ng normal sa Level 1 hospitals at ito ay nagkakahalaga ng P8,000. Kung sa Level 2 hanggang Level 4 na ospital naman, sagot ng PhilHealth ang P6,500. Ang halagang ito ay applicable sa alinmang pampubliko at pribadong ospital, basta accredited ng PhilHealth.

Ang “No Balance Billing” policy ay aplikable lamang para sa mga Sponsored Program members kung ito ay ginawa sa mga pampublikong ospital. Kung ang Sponsored members ay nagpunta sa pribadong ospital ay ganoon pa rin ang babayaran ng PhilHealth subalit ang anumang lampas na singilin ng ospital ay sagot na ng miyembro.

Ibig sabihin, kapag ang isang Sponsored member ay nanganak sa isang pribadong ospital, ito ay babayaran sa halagang P6,500 at ang anumang balanse sa ospital ay sagot na ng miyembro dahil ang ospital na kanyang pinuntahan ay hindi sakop ng “No Balance Billing” policy.

Newborn Care Package

Ang Newborn Care Package ay benepisyo na nakalaan para sa mga bagong panganak na sanggol. Ito ay itinaas natin mula P1,000 patungong P1,750. Ibinibigay ito sa lahat ng mga sanggol upang masuri sila sa sakit o kondisyong medikal o metabolic disorders ng sa gayon ay maagapan ang anumang karamdaman na maaaring magdulot ng permanenteng pinsala o kamatayan sa sanggol.

Kabilang sa Newborn Care Package ay ang mga sumusunod: 1) immediate drying of the newborn, 2) early skin-to-skin contact, 3) cord clamping, 4) non-separation of mother/baby for early breastfeeding initiation, 5) eye prophylaxix, 6) Vitamin K administration, 7) weighing of the newborn, 8) BCG vaccination, 9) Hepatitis B immunization (1st dose), 10) Newborn Screening test (NBS), 11) Newborn Hearing Screening test at 12) Professional fee.

Kung may isa o dalawang serbisyo na hindi nagawa sa hospital o non-hospital facility at ni-require ang miyembro na magpagawa nito sa ibang hospital o facility, puwede itong ma-reimburse ng miyembro basta ilakip lang sa claim ang mga resibo na pinagbayaran para sa mga serbisyong isinagawa sa sanggol.

Kung ang ospital ay nabayaran ng buo subalit natuklasan sa post-audit ng PhilHealth na may mga procedure na hindi naibigay sa sanggol, ito ay ibabawas sa future claims ng ospital na may kalakip na penalties na ibibigay ng korporasyon.

Muli po naming ipinapaalala sa inyo na siguraduhin po lamang na accredited ang doktor at ospital na inyong pupuntahan at may sapat kayong kontribusyon sa PhilHealth upang makamtan ang nasabing benepisyo.

*****

Ngayong Biyernes sa "PhilHealth... Hataw sa Serbisyo”: Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa bagong PhilHealth card na ating inilunsad noong September 5, 2011 bilang bahagi ng Public-Private Partnership (PPP). Sa Biyernes na iyan, September 23, 2011, 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ 882 KHz-AM. Kasama ko sa nasabing programa sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on September 22, 2011.

Sun.Star on social media

Saturday, May 26, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4530-16-25-38-13-09
4D Luzon0-5-7-4
4D Vismin0-5-7-4
Swertres Lotto 11AM7-8-6
Swertres Lotto 4PM0-2-7

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for May 26, 2012

Other front pages