Aquino: Special Benefit Package for Newborn Care
PhilHealth Corner
Friday, September 30, 2011
ALAM ba ninyo na 16 na sanggol ang namamatay kada 1,000 live births? At 50 porsyento sa mga ito ay dalawang araw pa lamang nabubuhay mula ng sila ay isilang. Maraming puwedeng dahilan dito ngunit ang pinakamalaking bahagi ay ang kakulangan ng tamang pangangalaga habang nagbubuntis o yung tinatawag nating post natal care at kakulangan sa tamang pangangalaga sa mga sanggol matapos isilang.
Ayon sa mga eksperto sa larangan ng kalusugan, tinatayang critical condition ang lagay ng mga sanggol sa loob ng 28 days mula ng ito ay maisilang. Kung ang sanggol ay namatay sa loob ng nasabing araw ito ay tinatawag na “neonatal deaths”. Dahil dito, noong 2004 ay inilabas ang mandatory policy hinggil sa pagsusuri o Newborn Screening test sa mga sanggol sa alin mang pasilidad. Ano nga ba ang Newborn Screening test o NBS?
Have something to report? Tell us in text, photos or videos.
Ang NBS ay isang pagsusuri na ginagawa sa mga bagong silang upang malaman kung positibo ang sanggol sa sakit o kondisyong medikal o metabolic disorders at maagapan ang anumang karamdaman na maaaring magdulot ng permanenteng pinsala o kamatayan. Gayundin ang mga sakit na namamana o inherited disorder mula sa mga magulang lalo na yung hindi apparent o nakikita dahil ito ay maaaring makaapekto sa kanilang normal at physical development. Sa simpleng blood test, madaling madedetect ang mga kondisyong medikal ng sanggol katulad ng congenital hypothyroidism (CH), congenital adrenal hyperplasia (CAH), galactosemia (GAL), phenylketonuria (PKU), glucose 6-phospate dehydrogenase deficiency (G6PD Def) at homosystinuria.
Kamakailan ay naglunsad ang PhilHealth ng bagong payment scheme sa mga piling sakit at kabilang dito ang Newborn Care Package na dating nagkakahalaga ng P1,000. Ayon sa PhilHealth Circular No. 011,s. 2011, ang NCP ay itinaas na sa halagang P1,750 at kabilang dito ang mga sumusunod na serbisyo: immediate drying of the newborn, early skin-to-skin contact, cord clamping, non-separation of mother/baby for early breastfeeding initiation, eye prophylaxis, Vitamin K administration, weighing of the newborn, BCG vaccination, 1st dose of Hepatitis B immunization, Newborn Screening test (NBS), Newborn Hearing Screen test (R.A. 9709, Section 14 “Universal Newborn Hearing Act of 2009”), and professional fee (that includes breastfeeding advice and physical examination of the baby). Kung hindi nakumpleto ang mga serbisyong nabanggit o kaya naman ay binayaran ng miyembro ang alin man sa nabanggit na serbisyo, isumite lamang ang mga resibo sa inyong claim at irereimburse namin ang inyong nagastos.
Tandaan po na ang Newborn Care Package ng PhilHealth ay independent o hiwalay sa claim ng nanay for maternity. Ibig sabihin, kung ang nanay ay hindi nakapagclaim ng kanyang maternity package sa PhilHealth sa kadahilanang hindi umabot ang kanyang qualifying premium contribution, maaari pa ring i-file ang claim for NCP basta may hulog na tatlong buwan sa loob ng 6 na buwan bago manganak. Siguraduhin din na ang hospital ay PhilHealth accredited o kaya naman kung ito ay non-hospital facilities, ito ay dapat na-certified as a newborn screening facility.
At panghuli, nais po naming ipaalam na lahat ng NCP claims ay covered ng “NO BALANCE BILLING POLICY” kung ito ay ginawa sa mga accredited non-hospital facilities katulad ng lying-in and maternity clinics, birthing homes at RHUs”. Ibig sabihin, lahat ng myembro ng PhilHealth ay wala ng babayarang anumang gastusin dahil sa NBB policy. Samantala, ang lahat ng Sponsored Program members ay entitled lamang sa NBB policy kung siya ay na-confine sa alin mang government hospitals at accredited non-hospital facilities maliban na lamang sa mga pribadong hospital.
*****
Ngayong Biyernes sa PhilHealth Hataw sa Serbisyo: Dahil ngayong buwan ay Liver Cancer Awareness Month, abangan ngayong Biyernes, September 28, 2011 ang sakit na Cancer sa “PhilHealth Hataw sa Serbisyo!” mula 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ AM Radio 882 KHz. Kasama ko sa nasabing programa si DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on September 30, 2011.
Opinion
- Mercado: Second Fall of Bataan
- Sison: Motorcycle toll lanes on all major toll roads
- Limlingan: On Mabalacat cityhood
- Pangan: Flubbed
- Pena: Back to school eco tips
- Cortez: Pentecost
- Sapnu: Isinagawang Drug Test sa Pampanga Police
- Sison: Expanded Maternity Benefits for Women in Government
- Mercado: A City is Born
- Tulabut: Mabalacat City




