Pampanga - Season header theme

Sapnu: Riders-in-tandem strike again in CSF

By Ric Sapnu

Dateline: Olivas

Sunday, February 5, 2012

DAHIL siguro sa pagkawala o sa madaling salita, paghinto ng pagsasagawa ng mga PNP Checkpoints sa mga strategic places sa City of San Fernando ay umatake na naman ang mga riders-in-tandem.

Noong Miyerkules dakong 9:30 ng gabi, inatake ng riders-in-tandem ang dalawang katao sakay ng isang Isuzu na may plakang LIC-400.

Have something to report? Tell us in text, photos or videos.

Habang binabagtas ng nasabing behikulo ang kahabaan ng MacArthur Highway na minamaneho ni Ramil Bantayan, 29, ng Dau, Mabalacat, isang motorsiklo na may riders-in-tandem ang sumigaw na ang likurang pinto ng Isuzu ay bukas.

Siyempre bilang reaksyon ng drayber, inihinto nito ang sasakyan sa shoulder ng highway sa may Barangay Quebiawan.

Bumaba si Jay Santiago, 29, helper ni Bantayan, upang tignan ang isinigaw ng back rider ng motorcycle.

Nguni’t laking gulat nila na ang backrider ay bumaba, sabay tutok ng kanyang short firearm at dineklara ang holdup.

Kinulimbat sa mga biktima ang halagang P53,030,00 cash at P74,416 Metrobank checks na kanilang koleksyon noong araw na iyon.

Pagkatapos makuha ng mga suspek ang mahahalagang bagay sa mga biktima ay  nagpaputok pa ang isa sa kanila habang pinatakbo ng matulin ang kanilang motorcycle patungong south direction.

Ang dalawang biktima ay empleyado ng RCGC Reliability and Confidence Gas Corporation na nasa Barangay Balite.

At dahil mayroong nangyaring robbery/holdup sa CSF, noong Huwebes (kinabukasan matapos ang nasabing insidente), nagsagawa ng checkpoint ang CSF police station.

Mukhang nahuli ang pagsasagawa ng PNP Checkpoint di po ba? Kung walang mangyayaring robbery/holdup ang mga riders-in-tandem ay hindi magsasagawa ng checkpoint ang CSF police? 

Ang aksyon ng PNP ay palaging huli?  Nagtatanong lang po…

Kasabay nito, sinabi ni Senior Superintendent Edgar Tinio, Pampanga police provincial director sa Dateline, na isang “Oplan Galugad” ang kanyang itinatag upang maibsan ang pananalasa ng mga riders-in-tandem sa Pampanga lalo na sa City of San Fernando kung saan malimit nangyayari ang insidente.

“Aking aatasan ang lahat ng mga police station na magsagawa ng pag-galugad o ang tuloy-tuloy na pagpapatrolya sa kani-kanilang nasasakupan,” ayon kay Tinio.

Ang lahat naman ng police station ay may mga motorcycle na ibinigay noon ni Gobernadora Lilia "Nanay Baby" Pineda na kanilang magagamit sa pag-galugad sa kanilang area of jurisdiction.

Bukod dito, ayon pa kay Tinio, hindi nila madadahilan na walang gasolina ang kanilang motorcycles dahil may gas allocation ang mga ito mula sa provincial government.

Ayon pa kay Tinio, mas epektibo ang pagsasagawa ng intelligence gatherings sa mga criminal elements at kapag may police visibility sa lansangan ay magdadalawang isip ang mga kriminal na mag-operate ng kanilang ilegal na aktidades.

Umaabot sa 927 ang na-promote sa buong CL

Noong nakaraang Biernes (Jan. 27), isang oath-taking at mass pinning ang isinagawa sa harapan ng Administrative Building ng Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters sa Camp Olivas.

At umabot sa 927 ang mga bagong na-promote sa next rank na isinagawa ni Chief Superintendent Valiant de Guzman, PRO3 deputy regional director for administration.

Sang-ayon kay De Guzman umaabot sa 85 Police Commissioned Officers (PCOs) at 842 naman ang Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).

Na-promote ang mga ito dahil sa five-year time in grade at nakapasa sa mga pagsusulit na ibinigay ng PNP, ayon pa kay De Guzman.

Kabilang sa mga na-promote ng Senior Inspector ay sina Napoleon Cruz, nakatalaga sa Chief Directorate Staff (CD-3), Leny Pangilinan, chief administration ng City of San Fernando Police Station, Reynaldo Maganti Jr., chief ng COMPAC, Nestor Bulatao Jr., chief operation ng CSF Police, Jorge Meneses III ng Sto Tomas Police Station, at Cezar Jalasco, deputy chief ng Intelligence Division.

Kabilang sa na-promote sa SPO4 ay si Jerry Bondoc ng Regional Public Information Office-3.

Sa lahat ng mga newly-promoted bumabati po ang Dateline ng Congrats at Mabuhay po kayo…
 
Mga pinutol na punongkahoy, ginawang furniture

Kung inyong matatandaan, ilang matatandang punongkahoy sa loob ng Camp Olivas ang pinutol dahil nasisira na ang mga ito.

Naging kontrobersyal ang nasabing pagputol ng mga punongkahoy nguni’t ayon sa isang senior police officer, ang mga ito ay may “clearance” sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

At ayon kay Senior Superintendent Teodorico Perez, officer-in-charge ng Regional Logistics and Research Development Division, ang mga pinaputol na mga punong kahoy ay ginawang mga furniture.

Katunayan, ayon kay Perez ang mga furniture ay kasalukuyang nakalagay sa Multi-Purpose Hall sa loob ng Olivas..

Ang nagawa sa mga punongkahoy ay 20 magagandang silya at dalawang mesa.
Ang mga silya ay ilalagay sa conference room upang magamit upang hindi magkulang ang mga upuan doon, ayon pa kay Perez.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on February 06, 2012.

Sun.Star on social media

Saturday, May 26, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4530-16-25-38-13-09
4D Luzon0-5-7-4
4D Vismin0-5-7-4
Swertres Lotto 11AM7-8-6
Swertres Lotto 4PM0-2-7

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for May 26, 2012

Other front pages