Sapnu: ACPO Pinaganda ni Recomono
By Ric Sapnu
Dateline: Olivas
Sunday, February 12, 2012
MGA ilang buwan nang maupo si Senior Superintendent Rodolfo Recomono Jr. bilang Angeles City police director, sinimulan nitong ayusin ang police headquarters sa Camp Tomas Pepito.
Unang pinaayos ni Recomono ang kalsada sa loob ng Angeles City Police Office (ACPO) mula sa gate hanggang sa administrative building.
Have something to report? Tell us in text, photos or videos.
Sa pamamagitan ng Friends ni City Director, marami itong napaayos sa ACPO at ngayon ay halos maganda na ang nasabing Police Office.
Kabilang sa mga newly renovated na mga tanggapan na napaayos ni Recomono ay ang City Operations and Plans Branch Office, City Tactical Operation Center, City Director's Office, ang hallway ng administrative building, at comfort rooms.
Marami na rin naging City Police Directors ang dumaan pero hindi naayos ang kanilang quarters.
Maging ang harapan ng administrative building ay pina-landscape ni Recomono para maging kaaya-aya o presentable sa mga bumibisita sa kampo.
At dahil nakita rin ni Recomono na kailangan ng ayusin ang city director's quarters, hindi rin ito nagdalawang isip para sa renovation nito.
Ang nasabing quarters ay nagsisilbing tulugan o pansamantalang bahay ng mga city police director.
Sa kasalukuyan, marami nang pinagawang for renovation si Recomono kaya ang lahat ng mga PNP personnel ay natutuwa sa kanyang pagmamalasakit upang maging maaayos ang ACPO.
Kaya masuwerte ang susunod na magiging ACPO city director dahil wala na itong paaayos sa Kampo. Napaayos na ito ni Recomono.
Accomplishments ni Recomono
Mula nang Enero 2011 hanggang Nobiyembre 2011 ang crime volume sa Angeles City ay bumaba.
Umaabot sa 1,728 ang naireport na crime incidents. Sa nasabing bilang ng crime incidents 285 nito ang naresolba samantalang ang 458 nito ay considered cleared registering a Crime Solution Efficiency of 8.52% at Crime Clearance rate of 13.68%.
Sa kampanya laban sa pinag-babawal na gamut, umaabot sa 91 na pushers/users ang naaresto ng ACPO at umaabot naman sa 11.98 gramo ng shabu ang nakumpiska samantalang 26.7 gramo ng marijuana. Ang lahat ng nahuli ay nasampahan ng kaukulang kaso sa korte.
Labingdalawang katao ang naaresto ng ACPO bilang kampanya nito sa karnaping. Umaabot naman sa 23 katao ang nahulihan ng illegal possession of firearms sa Oplan Paglalansag.
Sa Police Community Relations accomplishments, nagsagawa ang ACPO ng anti-crime organization activities, community assistance and development at community inter-relation activities sa mga barangay ng lungsod, ayon kay Recomono.
Sr. Supt. Zapata, Bagong BPPO Head
Noong Miyerkules, isang simpleng turn-over ceremony ang isinagawa sa Bataan police provincial office (BPPO) na kung saan mismong si Chief Superintendent Edgar Ladao, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang nagasagawa ng seremonya.
Ang masuwerteng bagong BPPO director ay si Senior Superintendent Ricardo Zapata na dating nakatalaga sa National Headquarters sa Camp Crame.
Pinalitan ni Zapata si Senior Superintendent Arnold Gunnacao. Siya ay pansamantalang itinalaga sa Camp Crame upang makuha nitong ang Star na pinapangarap ng bawat Senior Police Officer.
Si Zapata at Gunnacao ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '85.
Si Zapata umano ang nirekomenda ni Gunnacao kay Gov. Enrique "Tet" Garcia para pumalit sa kanyang puwesto.
Congrats Sr. Supt. Zapata at kayo ang masuwerteng naupo bilang director ng BPPO.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on February 13, 2012.
Opinion
- Mercado: Second Fall of Bataan
- Sison: Motorcycle toll lanes on all major toll roads
- Limlingan: On Mabalacat cityhood
- Pangan: Flubbed
- Pena: Back to school eco tips
- Cortez: Pentecost
- Sapnu: Isinagawang Drug Test sa Pampanga Police
- Sison: Expanded Maternity Benefits for Women in Government
- Mercado: A City is Born
- Tulabut: Mabalacat City




