Pampanga - Season header theme

Sapnu: Tree Planting sa Kaarawan ni Gob

By Ric Sapnu

Dateline: Olivas

Wednesday, February 22, 2012

ISANG tree-planting activity ang isinagawa noong Lunes bilang pagdiwang sa kaarawan ni Gobernadora Lilia “Nanay Baby” Pineda.

Maagang nagpunta doon si Pineda kasama ang ilang board members, empleyado ng Kapitolyo at mga ilang miyembro ng Pampanga Police Provincial Office (PPP0) sa pamumuno ni Senior Superintendent Edgar Tinio.

Have something to report? Tell us in text, photos or videos.

At siyempre kapag nandoon si Gob nandoon din ang mga alkalde na pinamumunuan ni Candaba Mayor Jerry Pelayo bilang pangulo ng Pampanga Mayor’s League (PML).

Ang tree-planting activity ay ginawa sa Barangay Nabuclod, Floridablanca kung saan nandoon ang mga katutubong Aeta.

Ito ang malimit na puntahan na lugar ni Pineda at mukhang ito ang kanyang paboritong lugar, dahil ang mga kapatid nating mga Aeta ay gustong miyang matulungang maigi.

Maagang ginawa ang tree-planting at nagbigay din si Gob ng mga gift packs sa mga Aetas doon.

Laking tuwa ng mga Aeta sa kanilang natanggap mula sa birthday celebrator at sana raw ay araw-araw ang kaarawan ni Gob Pineda.

Sa halip na magarbo ang kaarawan ni Gob ay minabuti nito na magsagawa ng tree-planting activity at mamigay ng gift packs sa mga katutubong Aeta.

Marami din ang nagsibati sa kaarawan ni Pineda sa mga local newspapers natin sa Pampanga.

Isang simple at mahalagang kaarawan ang dinaos ni Gobernardora. Maghapon nitong kasama ang mga Aeta ng Nabuclod.

Sa inyo po Gob Pineda, isang pagbati mula sa Dateline at mga opisyales at miyembro ng Camp Olivas Press Society….

Sana ay marami pang birthdays ang dumating, para mas marami kayong matulugan na mga kababayan natin, lalo na iyong mahihirap na walang pangtustos sa hospital at pambili ng gamot…

Mga District Hospital, Ipinagawa ng Kapitolyo

Ilan na ring mga District Hospital ang naipagawa o naipatayo ng Provincial Government sa iba’t ibang bayan sa Pampanga.

Ito ang pangunahing proyekto ni Gobernadora Lilia Pineda, na kung saan ilang milyong halaga na rin ang ginugol ng Provincial Government upang makapagtayo ng mga district hospital sa lalawigan.

Halos umabot na sa P74 milyong halaga ng mga district hospitals ang naipatayo ni Pineda.  Ang mga ito ay ang Dr. Andres Luciano Memorial Hospital sa Magalang;  ang renovation ng Escolastica Romero District Hospital sa Lubao;  Mayor Domingo Flores District Hospital sa Macabebe at ang repair ng Emigdio Cruz Sr. Memorial Hospital sa Arayat iba pang hospital na isinagawang renovation ng Provincial Capitol at karagdagan pondo sa Ricardo Rodriguez District Hospital sa Bacolor.

Maganda ang layunin ng ating butihin Gobernadora sa kanyang balakin na makapagpatayo ng mga district hospital sa bawat bayan sa Pampanga.

Ang ibig mangyari kasi ni Pineda ay iyong mga residente ng bawat bayan sa lalawigan ay mayroong malapit na hospital sa kanilang mga lugar.

Kaya lang ang nagiging problema sa mga district hospitals na naipatayo ng Provincial Government ay kulang ito ng mga doktor at personnel at kagamitan.

Sana raw ito naman ang bigyan pansin ni Gobernadora…

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on February 23, 2012.

Sun.Star on social media

Saturday, May 26, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4530-16-25-38-13-09
4D Luzon0-5-7-4
4D Vismin0-5-7-4
Swertres Lotto 11AM7-8-6
Swertres Lotto 4PM0-2-7

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for May 26, 2012

Other front pages