Castillejos, OIC ng NE police
-A A +ABy Ric Sapnu
Sunday, June 3, 2012
DAHIL nagkaroon ng maliit na problema si Senior Superintendent Manuel Lukban, Officer-In-Charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office, minabuti na palitan siya.
Umaabot din sa halos tatlong buwan si Lukban bilang OIC ng Nueva Ecija police at noong nakarang Biyernes, siya ay pinalitan ni Senior Superintendent Walter Castillejos.
Bago naupo si Castillejos ay nagsumite muna ng listahan si Chief Superintendent Edgardo Ladao, Police Regional Office-3 (PRO3) director, kay Nueva Ecija Gobernador Aurelio Umali.
Kasama sa listahan ng pagpipilian sina Senior Superintendent Oscar Albayalde, Reyland Malenab, Joseph Ramac, at si Castillejos.
Si Albayalde ay kasalukuyang chief ng Regional Investigation Division, si Ramac ay chief ng Regional Service Company, si Malenab ay nakatalaga sa Camp Crame at si Castillejos ay chief ng Regional Personnel and Human Doctrine Development.
Sina Albayalde at Malenab ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA); si Ramac ay reserved officer; samantalang si Castillejos ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Sa madaling salita, sa ginawang pagsusuri ni Gobernador Umali, ay si Castillejos ang maswerteng napili bilang OIC ng Nueva Ecija police provincial office.
Sabi nga ng ibang police officer sa Dateline, mahirap makapuwesto sa Nueva Ecija police dahil marami itong nagiging problema pagdating ng eleksyon.
Sa police record, tuwing local o national elections sa lalawigan ng Nueva Ecija ay tumataas ang crime incidents ditto, at ito’y itinuturing na “hot spot” sa Central Luzon.
At kapag hindi mo umano kasundo ang gobernador ay maaaring madali kang palitan nito, ayon sa police officer.
Kaya maraming nagtataka kung bakit si Castillejos ang napili ni Umali bilang kapalit ni Lukban.
Sang-ayon sa police officer, ito’y malaking sikreto ni Castillejos kung bakit siya ang napili ni Umali.
“Sa palagay ko, kayang-kaya ni Castillejos ang maging OIC ng Nueva Ecija police,” ayon pa sa police officer.
Napag-alaman na pagkatapos ng turn-over ceremony noong Biyernes ay nagsagawa kaagad ng pagpupulong si Castillejos sa staff officer nito at mga chief of police ng lalawigan.
At noong Sabado, siya’y nagsagawa ng pag-inspeksyon sa mga Police Station sa lalawigan.
Noong araw, matunog na si Castillejos ang umano’y papalit kay Senior Superintendent Rodolfo Recomono, Angeles City police director, kapag ito’y nalipat sa Pampanga Police. Nguni’t biglaan ang pagkaka-relieve kay Lukban kaya naisama ito sa listahan ng pagpipilian ni Gobernador.
Sa inyo sir, congrats!
*****
Sirang traffic lights, ayaw gawin?
Kung minsan nagiging sanhi ng trapik ang sirang Traffic Lights na nakalagay sa kabahabaan ng MacArthur highway at Lazatin Boulevard sa City of San Fernando.
Halos ilang linggo na itong sira nguni't hindi lamang binigyan ng pansin ng city government ng San Fernando.
Maraming motorista ang nagkakamali kapag sila'y mag-go dahil hindi nila nakikita kung naka-ilaw na ang green light.
Kaya madalas nagkakabuhol ang trapik dito dahil sa hindi malaman ng mga drayber na nasa dako ng Lazatin Boulevard kung sila ay naka-go na.
Simpleng bagay po ang nasabing nasirang traffic lights na kung saan hanggang ngayon ay hindi binibigyan pansin ng kinakuulan. Bakit kaya?
Nagtatanong po ang mga Fernandinos sa inyo...
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on June 04, 2012.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
