Saan pa ba tayo, e di sa subok na
-A A +ABy Ric Sapnu
Wednesday, June 27, 2012
KUNG inyo po susuriin ang mga slogan ni Dr. Rey Aquino na nakikita natin sa mga streamers na nakasabit sa ilang bahagi ng lungsod -- “Subok na si Doc” -- malinaw ang ibig nitong ipahiwatig sa mga Fernandino/Fernandina.
Bakit ba tayo susubok sa iba pa e di iyong subok na -- di ba ito ang ibig sabihin ng slogan ni Dr. Aquino?
Ang nasabing slogan ay nagpapahiwatig lamang na sa 2013, si Dr. Aquino ang syang dapat na iupo muli sa City of San Fernando at siya ang iboto, dahil siya ay nasubukan na noon nang maging alkalde ito.
Kung inyo pong matatandaan, si Dr. Aquino ang unang City Mayor ng San Fernando. At dahil sa kanya, maraming nahimok na mga negosyante upang mag-invest sa lungsod kagaya ng SM City at Robinsons Starmills.
At hindi nito pinabayaan ang mga maliliit na negosyante dahil binigyan din niya nito ng pansin upang hindi maapektuhan ang kanilang negosyo.
Maraming naging proyekto si Dr. Aquino noon at marami pa itong gagawing proyekto kaya naisip nitong tumakbo muli para kanyang maipagpatuloy ang magagandang proyekto sa ikauunland lalo ng lungsod.
Kaya noong Hunyo 19, ideneklara na ni Dr. Rey Aquino ang kanyang pagtakbo muli bilang alkalde.
“Muli kong iniaalay ang aking sarili upang paglingkuran muli kayo ng may katapatan at maayos na serbisyo,” pahayag ni Aquino sa isang press conference.
Kanyang ipinahayag na bibigyan niya ng PhilHealth cards ang lahat ng senior citizens ng lungsod dahil alam nito na higit kinakailangan ang mga ito. Sang-ayon pa kay Aquino, kanyang bibigyan ng halaga ang “education” kagaya ng “scholarship program” hindi lang sa mga high school students kundi maging sa mga elementary na “can’t afford” talaga.
Ilan sa mga iba pang proyekto ni Dr. Aquino ay ang lalo nitong paigtingin ang livelihood program. Magtatatayo ito ng mga cooperative sa 35 barangays ng lungsod at iba pa.
Lalo din nito pag-iigtingin ang “peace and order” sa lungsod sa pamamatigan ng paglalagay ng mga CCTV sa mga pangunahing lansangan partikular ang Jose Abad Santos Avenue (Jasa).
Marami pang ibang proyekto si Dr. Aquino upang lalong mapaunlad ang City of San Fernando at lalong makatulong sa mga Fernandino/Fernandina.
Sa nasabing press conference ipinakilala ni Aquino ang kanyang mga kandidato sa pagkakonsehal na sina Hazel Macalino, Puring Bamba, Angie Hizon, Jay Cuyugan, Jay Patio, Atty. Jep Miranda, Rey Pekson Jr., at Harvey Quiwa.
Hindi pa rin ipinahayag ni Dr. Aquino ang kanyang bise nguni’t kanyang ibinunyag na tatakbo ito sa partido ng UNA.
Patrol vehicles ginagamit sa pasyal?
Mula nang maupo si Gobernadora Lilia Pineda, sinimulan nitong magbigay ng mga patrol vehicles, motorcycles at patrol tricycles.
Hindi na mabilang ang nakatanggap ng mga patrol vehicles mula kay Gob Pineda kagaya ng Pampanga police at mga police stations sa lalawigan.
Nagbigay din si Pineda ng mga patrol vehicles at motorized tricycles sa bawat barangay sa mga bayan ng lalawigan.
Ang nasabing pinamigay na patrol vehicles ni Gob ay upang gamitin sa pagpapatrolya sa kani-kanilang area of responsibility, para mapanatili ang “peace and order” sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Nguni’t nitong nakaraang buwan hanggang sa kasalukuyan, maraming nakikitang mga patrol vehicles at patrol motorized tricycles ang Dateline na bumibiyahe sa kahabaan ng MacArthur highway patungong City of San Fernando.
Ang isang patrol motorized tricycle ay may nakasulat na Bahay Pari, Arayat at may sakay ito na isa o dalawang katao na mukhang namamasyal lamang? Nagtatanong lang po…
Marami ding nakikita ang Inyong Lingkod na mga patrol vehicles at maging patrol motorized tricycles na bumabagtas sa pangunahing lansangan ng lalawigan at mukhang hindi naman emergency ang sitwasyon.
Hindi ba ang mga nasabing mga patrol vehicles na ibinigay ni Gob Pineda ay gagamitin lamang sa pagpatrolya sa inyong mga area of jurisdiction? Bakit ang mga ito ay nagagamit na personal ng ilang opisyales? Nagtatanong lang po...
Bukod na sa libre ang motorized tricycles, maging ang gas nito ay libre dahil nagbibigay din ng “allocation” ang Provincial Government sa kanilang ipinamigay na patrol vehicles. Hindi dapat gamitin ang mga ito sa pamamasyal lamang.
Dapat siguro ay magtayo ng isang monitoring team si Gob Pineda upang hindi na maulit magamit sa pamamasyal ang kanyang mga ipinamigay na patrol vehicles.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on June 28, 2012.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
