Ang Pagbisita ni Chief PNP sa PRO3

-A A +A

Sunday, July 1, 2012

NITONG Hunyo 27, bumisita si Chief PNP Director General Nicanor Bartolome sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Nakatakdang dumating si Bartolome ng dakong 11:00 ng umaga nguni’t ito’y umabot ng halos 1:00 pm, kaya ang mga pulis na nasa parade grounds sa harap ng administrative building ay halos anim na oras na nakabilad.

Sa pagdating ni Chief PNP, kasama nito ang lahat ng kanyang Staff Officers kaya lahat ng mga ito ay binigyan ng “honor” ng PRO3 police personnel.

First time na kasama ng Chief PNP ang lahat ng kanyang mga Staff Officers sa pagbisita sa PRO3 headquarters sa Camp Olivas.

Marami nang naging Chief PNP na dumalaw o bumista sa Camp Olivas na hindi naman kasama ang kanilang Staff Officers.

Kaya ang nangyari tuloy, lahat ng mga Staff Officers ay binigyan ng “honor” kaya matagal nakatayo ang mga pulis sa parade grounds upang magbigay pugay sa mga ito.

Hindi biro ang ginawa ng mga pulis natin sa parade grounds dahil ang init ng araw at haba ng oras na kanilang itinayo doon ay kanilang nakayanan. Saludo kami sa inyong ginawa.

Sang-ayon sa pahayag ni Bartolome, ang kanyang pagbisita sa PRO3 ay upang i-monitor kung mayroong existence ng Private Armed Groups (PAGs) sa Central Luzon.

Gusto rin malaman ni Chief PNP kung patuloy ang kampaya ng PRO3 sa “loose firearms.”

Pagbuwag sa mga PAGs at pagkumpiska ng mga baril ang pangunahing layunin ni Bartolome upang matiyak na maging tahimik, maayos at malinis ang darating na halalan.

Bilang pagtugon ng PRO3 sa pagbuwag sa mga PAGs, ilang mga pinaghihinalaang miyembro ng PAGs ang kanilang nahuli at nakumpiskahan ng matataas na kalibre ng baril.

Sa kanyang maikling message, ibig ma-check ni Bartolome ang lahat ng Police Regional Offices sa bansa na mayroon umanong presence ng PAGs sa kanilang area of responsibility.

Sa kanyang paglilibot, ang nabisita na ni Chief PNP ay mga PRO sa Visayas, Mindanao at sa kasalukuyan ay ang Luzon.

Huling bibisitahan ni Bartolome ay ang National Capital Region, pahayag niya.

Pinaalalahanan ni Bartolome ang PRO3 na ipagpatuloy ang police visibility na isang epektibo laban sa krimen.

At dahil si Chief PNP ang darating nang araw na iyon, siyempre nandoon lahat ng mga provincial at city police directors maging ang mga regional police officers ng Criminal Investigation and Detection Unit-3, Highway Patrol Unit-3 at iba pang supporting units.

Mga awardees na personal na binati at binigyan ng parangal ni Chief PNP ay kabilang sina Senior Superintendent Walter Castillejos, OIC ng Nueva Ecija police provincial office; Superintendent Audie Atienza, Regional Police Community Relations Office-3; Senior Superintendent Christopher Tambungan, Olongapo City police director; at Superintendent Daisy Babor, chief ng Regional Crime Laboratory Office.

Kabilang din sa mga binigyan ng award sina P03 Reynaldo Camacho, PO2 Ryan Brillantes, Inspector Leonardo Lacambra, PO1 Jaime Toledo Jr., Superintendent Julius Domingo; Senior Insp. Herman Ramos, SPO1 Reynaldo Reryes, PO2 Bembol Quiambao. Insp. Gerado Navarro, PO3 Renato Bagan, PO3 Vergel Santos, PO2 Remegildo Labarda Jr., Senior Insp. Randy Apolonio, P03 Dandy Dysangco, PO3 Rico Pineda, PO1 Jefferson Alivia, Senior Insp. Jayson San Pedro at dalawang non-uniformed personnel na sina Francisco Canada at Gaudencia Nicdao.

Sa mga awardee, congrats sa inyong lahat…

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 02, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.508

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for May 25, 2013

Other front pages

  • ePaper
  • Filipino Abroad
  • Sinulog
  • Pnoy
  • Pacman blog
  • Calamity Report
  • SunStar Sports
  • Obituary
  • kidsters
  • Technology
  • SunStar Celebrity
  • tell it to sunstar
  • Habemus Papam
  • Festivals
  • Philippine Polls
Sun.Star Jobs