Mga Old Model na behikulo target ng mga karnaper?

-A A +A

Sunday, July 8, 2012

NITONG nakalipas na dalawang buwan, ilang Old Model na mga behikulo ang kinarnap ng mga di-kilalang lalaki sa Pampanga at Angeles City.

Noong Hunyo 18 isang Toyota Lite Ace na may plakang TLF-884 na pag-aari ni Emmanuel Aguilar ang tinangay ng mga karnaper sa harapan ng isang bahay sa Barangay Dolores, Mabalacat.

Samantalang noong Hunyo 20, isang owner type type na may plakang CLY-306 ang kinarnap harapan ng bahay ni Deogracia de Leon sa Barangay Del Rosario, City of San Fernando.

Ang masaklap kay Aguilar ay dumalo lamang ito sa isang pagtitipon sa nasabing barangay at doon pa nawala ang kanyang Toyota Lite Ace van.

Ang owner type jeep naman ay doon malimit iparada sa harapan ng kanilang bahay nguni’t nitong Hunyo 20 at nagkataon siguro na nakursanadahan ng mga karnaper.

Noong Hunyo 30, isang Versa Utility van (CLW-975) pag-aari ni Andro Edon ang tinangay ng mga karnaper sa harapan ng kanyang tindahan sa Barangay Cutud, Angeles City.

Doon palagi ipinaparada ni Edon ang kanyang behikulo nguni’t noong araw na iyon ay nakuhang tangayin ng mga karnaper at ito’y may lulan pa naman spare parts ng motorsiklo.

Dalawa ang kita ng mga karnaper dahil bukod sa behikulo mayroon pa silang spare parts na ibebenta. Di po ba…

At noong Hulyo 2, isang Toyota FX na may plakang CRZ-247 ang kinarnap sa Barangay Sto. Nino, Guagua.

Sang-ayon sa police report, ipinarada ni Edwin Jocson ang kanyang FX sa malapit sa public market ng Guagua upang bumili ng ulam. Nguni’t pagbalik nito ay parang bulang nawala ang kanyang behikulo.

At noong Hulyo 4, isang Toyota Lite Ace van ang kinarnap sa harapan ng isang sari-sari store sa Boniacio Street, Dau, Mabalacat.

Napag-alaman na ipinarada sandal ni Glen Gaw, 37, isang empleyado ng Fontana Casino upang bisitahin ang kanyang girlfriend nguni’t pagbalik nito laking gulat niya na umaandar na ang kanyang behikulo.

Nang papalapit na siya sa kanyang sasakyan biglang pinasibat na ng mga karnaper patungong Mabalacat.

Sang-ayon sa police officer na nakausap ng Dateline, kaya umano target ng mga karnaper ang mga Old Model vehicles dahil kanilang kina chop-chop upang madali itong maibenta at hindi ma-trace kung karnap ito.

At pahayag pa ng police officer, mas malaki daw ang kita ng mga karnaper sa chop chop kaysa buong behikulo.

30,000 Forest Trees tinanim sa SCTEx

Sa hindi nakaka-alam si Chief Superintendent Edgardo Ladao, Police Regional Office-3 (PRO3) director ay kabilang sa “Biker.”

Kaya nang siya at ibang Senior Police Officer sa PRO3 ay dumaan sa kahabaan ng SCTEx napansin ni Ladao na walang gaaanong punong kahoy na nakatanim doon.

Kaya isang konsepto ang naisip ni Ladao upang magtanim ng punong kahoy sa kahabaan ng SCTEx.

Sa pamamagitan ni Superintendent Audie Atienza, chief ng Regional Police Community Relations Office (RPCRO) upang maging “materialize” ang plano ni Ladao, nakipag-ugnayan ito sa management ng SCTEx.

Halos isang linggo ginawa ni Atienza ang pakikipag-ugnayan sa SCTEx management at sa mga Provincial at City Police directors sa Gitnang Luzon.

Provincial Offices ng Bataan, Bulacan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac at City police offices ng Olongapo at Angeles magtatanim ng 2,000 forest trees. Kasama din magtatanim ang Regional Public Safety Battalion at ibang support unit.

At noong Hunyo 25, halos lahat ng PNP personnel ng bawat provincial at city police offices ay nandoon sa kahabaan ng SCTEx upang magtanim.

Ang pagtatanim ay pinangunahan ni Chief Superintendent Ladao at saksi ang Inyong Lingkod sa ginawa nilang pagtatanim na 30,000 forest tree.

Binati ni Ladao si Atienza dahil matagumpay ang pagtatanim ng 30,000 forest tree…

Kaya naman binigyan ng certificate award si Atienza noong dumating si Chief PNP Director General Nicanor Bartolome noong Hunyo 2.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 09, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.192

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
6Digit3-8-2-7-8-5
Swertres Lotto 11AM5-2-2
Swertres Lotto 4PM9-6-0
Swertres Lotto 9PM5-5-4
EZ2 Lotto 9PM21-14

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for May 19, 2013

Other front pages

  • SunStar Sports
  • Pacman blog
  • Calamity Report
  • SunStar Celebrity
  • Habemus Papam
  • ePaper
  • kidsters
  • Technology
  • Obituary
  • Philippine Polls
  • Sinulog
  • tell it to sunstar
  • Festivals
  • Pnoy
  • Filipino Abroad
Sun.Star Jobs