Metrobank depositors paboritong holdapin?

-A A +A

Thursday, July 12, 2012

KUNG inyong pong matatandaan, binaril at napatay ng mga riders-in-tandem si Dutch missionary Wilhelmus Geertman matapos tangayin ang na-withdraw nitong pera sa Metrobank.

Galing sa Metrobank branch Angeles City si Geertman at pauwi noon sa kanilang tanggapan sa Alay Bahay Inc., sa loob ng L&S Subdivision, Barangay Telabastagan, City of San Fernando noong Hulyo 3.

Nag-withdraw ng P1.2 milyon si Geertman sa Metrobank branch Angeles City sakay ng isang Nissan Frontier (WPY-887) at kasama nito sina Crisostomo Ybanes at Bernie Basangidan.

Pagbaba ng biktima sa nasabing behikulo, hinablot ng isa sa mga hinihinalang killer ang bag na naglalaman ng P1.2 milyon.

Sang-ayon sa police report, ayaw umano ibigay ni Geertman ang bag kaya napilitang barilin ito ng suspek.

Pagkatapos ng pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na walang plaka, ayon sa police report.

Kaya ngayon, ang tinitignan ng pulisya ay robbery ang motibo sa pagkakapatay sa Dutch missionary.

At nitong Hulyo 9, isa na naman ang naging biktima ng pangho-holdup na nangyari sa Mabalacat.

Sang-ayon sa police report, nag-withdraw ng halagang P300,000 sa Metrobank Dau branch si Jenny Tanedo, 25, secretary ng Shadow Travel & Tours Inc.

Dakong 3:30 pm nang pauwi na si Tanedo sa kanilang tanggapan pagkatapos mag-withdraw, at pagtapat nito sa Shadow Travel & Tours ay biglang sumulpot ang dalawang gunmen.

Tinutukan kaagad si Tanedo ng isa sa mga robbers at sabay hinablot ang shoulder bag nito na naglalaman ng P300,000.

Bukod sa pera, natangay din ng mga suspek ang Sambank ATM, apat na cellular phones na pag-aari ng ahensya at wallet ng biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patunong norte.

Ang dalawang naholdap na biktima ay kapwa depositor ng Metrobank nguni’t magkaiba lamang ng sangay.

Bakit kaya mukhang paborito ng mga robber ang depositors ng Metrobank? Ito ang malaking katanungan ng mga police officer na nakausap ng Dateline. Nagtatanong lang po sila.

Sr. Supt. Rosario, promoted

Inaprobahan na ni President Benigno “Noynoy” Aquino ang promotion ng pitong senior police officers.

Kabilang sa promoted as Chief Superintendent ay si Wendy Rosario, deputy regional director for administration (DRDA).

Si Rosario ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’82 at kaklase niya si Chief Superintendent Edgardo Ladao, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Ilang buwan pa lamang naka-upo bilang DRDA ay lumabas na kaagad ang kanyang STAR.

Kasama ni Rosario na na-promote sina Generoso Cerbo Jr., Joel Alvarez, Christopher Laxa at Arrazand Subong. Sina Cerbo at Alvarez ay miyembro ng PMA ’82 samantalang si Subong ay PMA ’83.

Si Chief Superintendent Angelito Pacia, chief ng Directorate for Information, Communications and Technology Management sa National Police Headquarters, Camp Crame ay na-promote ng Director. Ang director ay pang Two STAR.

Kasama ni Pacia na-promote na Director si Manuel Barcena ng DIPO.

Si Pacia ay PMA ’80 at mistah niya si Chief PNP Director General Nicanor Bartolome.

Binabati po ng Dateline ang mga na-promote na sina Rosario at Pacia at maging iyong ibang promoted…

Congrats sa inyo…

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 12, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.230

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for May 20, 2013

Other front pages

  • kidsters
  • Technology
  • Filipino Abroad
  • Festivals
  • SunStar Sports
  • Pnoy
  • tell it to sunstar
  • Habemus Papam
  • Philippine Polls
  • ePaper
  • Obituary
  • Pacman blog
  • Sinulog
  • Calamity Report
  • SunStar Celebrity
Sun.Star Jobs