Karnaping ng old model cars sa CL, nakaka-alarma
-A A +ABy Ric Sapnu
Sunday, July 15, 2012
NOONG nakaraang kolum natin ay tinalakay ko ang pagtangay ng mga karnaper sa tatlong old model vehicles sa Pampanga at Angeles City.
Nitong nakaraang linggo, dalawang insidente ng karnaping na naman ang iniulat ng pulisya, at mga old model vehicles ang tinangay ng mga di-pa kilalang lalaki.
Noong Hulyo 11, isang Mitsubishi L-300 van (PMF-576) na pag-aaari ni Rosario Balboa Regala, 49, administrative aide VI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kinarnap sa harapan ng isang bahay sa Pandacaqui, Mexico.
Dakong 9:00 p.m. noong Hulyo 10 nang ipinarada ni Rio Jane, anak ni Rosario, ang nasabing van sa harapan ng isang bahay, mga tatlong bahay ang layo, sa kanilang tirahan.
Kinabukasan (Hulyo 11) dakong 8:30 p.m., laking gulat ni Regala nang wala na ang kanyang van na nakaparada sa harapan ng naturing na bahay.
Sang-ayon sa kanyang kapitbahay, nakita pa umano ang van na nakaparada dakong 6:00 p.m. ng Hulyo 11.
Inireport naman kaagad ng biktima ang pagkawala ng kanyang van ngunit hindi na rin nakita ang kanyang behikulo.
Mayroon ding iniulat na isang old model vehicle ang kinarnap sa Angeles City nitong nakaraang lingggo nguni’t ito’y iniimbestigahan pa ng pulisya.
Matatandaan nitong nakaraang buwan, tatlong old model vehicles ang kinarnap sa Pampanga at Angeles City.
Isang Toyota Lite Ace van (TLF-884) na pag-aari ni Emmanuel Aguilar ang tinangay ng mga karnaper sa harapan ng isang bahay sa Barangay Dolores, Mabalacat at isang owner type jeep (CLY-306) naman ang kinarnap sa harapan ng bahay ni Deogracia de Leon sa Barangay Del Rosario, City of San Fernando.
At noong Hunyo 30, isang versa utility van (CLW-975) na pag-aari ni Andro Edon ang tinangay ng mga karnaper sa harapan ng kanyang tindahan sa Barangay Cutud, Angeles City.
Isa pang nakarnap ang Toyota Hi-Ace Grandia van na pag-aari ni Nisa Bernudo, 26, na kanyang ipinarada sa harapan ng kanyang tahanan sa Nebraska St., Timog Park Homes sa Anunas, Angeles City. Makaraan lamang ng isang oras ay nawala na ang naturang sasakyan.
Kaya kayong mga may-ari ng old model vehicles, kapag ipinarada ninyo ang inyong sasakyan ay tiyakin na “safe” at “well secured” ang mga ito.
Ano na kaya ang aksyon na ginagawa ng Highway Patrol Group-3 (HPG3) at lokal na pulisya sa nakakaalarmang karnaping ng mga old model vehicles at maging mga motocycle?
Laganap na rin ang pagnanakaw sa mga motorcycle sa Cenral Luzon. Ano na ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP)? Nagtatanong lang po…
Medikalinga Ni Edpam
Upang hindi maging congested ang Ospital ning Angeles, minabuti ni Mayor Pamintuan na magpatayo ng isa pang ospital para sa mga minor operations.
Nitong nakaraang Biyernes, pinasinayaan ni Pamintuan ang Medikalinga Center sa Barangay Sto. Domingo, Angeles City para sa mga mahihirap niyang kababayan.
Minor surgeries at minor operations lamang ang tatanggapin ng mga doktor na boluntaryong magsasagawa ng mga masabing operasyon sa Medikalinga Center.
Sa unang pagbubukas nito ay umaabot sa 150 na pasyente na pawang mahihirap ang inoperahan ng mga doktor, ayon kay Deo Sambilay, City Information Office chief.
Ang mga surgical services na ibinibigay ng center ay operasyon sa sebaceous cyst, lymphoma cyst, tendon cyst, abscess, warts at small breast mass, ayon kay Mayor Pamintuan.
Ang lahat nito ay libre, pahayag ni Pamintuan sa kanyang maikling mensahe.
Nguni’t ang mga pasyente ay dadaan muna sa screening process kung sila nga ay karapat-dapat na bigyan na libreng operasyon, ayon pa kay Pamintuan.
Ang Medikalinga Center ay mayroong surgical beds at iba pang medical equipment para sa minor surgeries at operations.
Napag-alaman na si Dr. Rudy Ong at siyam pang manggagamot ang magsasagawa ng surgical operations sa 150 pasyente.
Maraming kababayan na mahihihirap ang nagpasalamat kay Mayor Pamintuan sa pagtatayo nitong Medikalinga Center.
Tumulong sa pagtatayo ng Medikalinga Center ang butihin nating Gobernadora Lilia Pineda at kanyang kabiyak…
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 16, 2012.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
