Patrol vehicles, ginagamit para ‘personal use?’

-A A +A

Sunday, August 5, 2012

MATATANDAAN na mula nang maupo si Gob. Lilia Pineda ay marami na itong naipamigay na mga patrol cars, pick-ups at motorized tricycles sa kanyang mga nasasakupan.

Naunang nagbigay ng mga patrol vehicles si Pineda sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO) na pinamumunuan ni Senior Superintendent Edgardo Tinio.

Hindi lang mga patrol vehicles ang naipamigay ni Gob sa Pampanga Police, kundi maging mga ilang matataas na uri ng baril at mga cellular phones.
Kasunod noon, nakapamigay din si Pineda ng mga patrol vehicles sa lahat ng police stations sa lalawigan.

Ang maganda pa dito, ang mga patrol vehicles ay mayroon pang kaagapay na “gas allocation.”

Kaya ang suswerte ng mga nabigyan ng mga patrol vehicles dahil wala din silang problema sa kanilang gas.

Pagkatapos mamigay sa mga police stations, namigay din si Gobernardora ng mga motorized tricycles sa lahat ng barangay ng bawat bayan, at libre din ang kanilang gas.

Ang layunin ng pagbibigay ng mga patrol vehicles sa mga police stations ay upang gamitin ang mga ito sa pagpatrolya sa kanilang mga nasasakupan na bayan.

At ganoon din sa mga barangay na nabiyayaan ng mga motorized tricycles, para magamit din ang mga ito sa pagpapatrolya sa kani-kanilang nasasakupan na barangay.

Ang pagbibigay ng mga patrol vehicles at motorized tricycles ni Gob ay upang mapanatili ang “peace and order” sa kani-kanilang area of responsibility.

Subalit sa kabila ng mga patrol vehicles ay mayroon pa rin nangyayaring krimen sa lalawigan, at mukha yatang hindi nagagamit ito sa tama? Nagtatanong lang po…

Katulad ng nakita ng Dateline na mga motorized tricycles na nakakarating sa City of San Fernando na mukhang namamasyal lamang ang mga sakay nito.
May namataan ang Dateline na isang motorized tricycle na may nakasulat sa body na “Bahay Pari.” Di po ba ang Bahay Pari ay sa Candaba? Bakit nakarating ito sa City of San Fernando? E, kung tutuusin ay ginagamit lamang ito sa kanilang pagpatrolya sa kanilang barangay. Ang nasabing motorized tricycle ba ay ginamit lamang sa kanilang pamamasyal? Nagtatanong lang po…

May motorized tricyle din na may nakalagay na “Sta. Rita” na nakarating din sa City of San Fernando at may sakay pang dalawang katao. Ano kaya ang ginagawa nila at bakit nakarating ang tricycle sa lungsod? Nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.

Sa Barangay Lourdes sa City of San Fernando naman, isang sidecar ng tricycle ang nakita ng Inyong Lingkod na nakalagay lamang malapit sa barangay hall.

Ang motorcycle nito ay wala, na ibig sabihin ay tinaggal ito sa sidecar upang magamit ng isang barangay opisyal? Nagtatanong lang po…

Pagkalipas ng isang linggo, nakadaan din ang Dateline sa barangay hall ng Lourdes at nandoon pa rin ang sidecar at wala ang motorcycle. Nasaan na kaya ito? Ginamit na ba ng personal ng isang barangay opisyal? Nagtatanong lang po…

Ang mga patrol vehicles at motorized tricycles ay ginagamit lang ba sa “personal use?” Kawawang Juan pera ng bayan ay nilulustay lamang ng sino-sino lang? Nagtatanong lang po ang mga kababayan natin.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on August 06, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.230

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4510-19-07-21-28-22
4Digit4-4-6-8
Swertres Lotto 11AM2-1-3
Swertres Lotto 4PM0-4-6
Swertres Lotto 9PM8-6-0

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for May 20, 2013

Other front pages

  • SunStar Sports
  • ePaper
  • Sinulog
  • Pnoy
  • Pacman blog
  • Technology
  • Habemus Papam
  • kidsters
  • tell it to sunstar
  • Festivals
  • SunStar Celebrity
  • Filipino Abroad
  • Philippine Polls
  • Obituary
  • Calamity Report
Sun.Star Jobs