Pagbisita ni PNoy sa Pampanga

-A A +A

Sunday, August 12, 2012

BINIGYAN ba ng kulay ang pagbisita ni Pangulong Beningo “Nonoy” Aquino III sa Pampanga noong Biyernes?

Dakong 3:15 p.m. nang makarating sa Sto. Niño Elementary School si Pangulong Benigno Aquino, kung saan siya ay nakatakdang dumating ng 2:00 pm.

Nang dumating ang Dateline dakong 1:30 p.m. ay nandoon na si Gobernadora Lilia Pineda at ibang mga board members. Mukhang dakong 1:00 p.m. pa lang ay pumunta na sila sa nasabing paaaralan upang hintayin ang pagdating ni Pangulong Aquino.

Mga pasado 2:00 p.m. ay dumating naman si City Mayor Oscar Rodriguez at ilang minuto pa sumunod naman si Congressman Aurelio “Dong” Gonzales ng 3rd district ng Pampanga.

Siyempre, sila’y nagkuwentuhan at hindi na natin alam kung ano ang kanilang napag-usapan.

Isang engineer ang kumuha ng picture kina Gob Pineda at Mayor Rodriquez na kapwa magkatabi ng upuan, ang tanong dito, bakit kaya kailangan pang kunan pa ng picture ang dalawa? Mayroon bang agenda ito?

Ang mga residente na apektado ng pagbaha ay nainip sa pagdating ng ating Pangulo dahil tanghaling tapat pa umano ay pinapunta na sila doon.
Nang parating na si Aquino, sumalubong na sina Pineda, Rodriguez, Gonzales at iba pang mga board member sa may papasok ng gate ng Sto. Nino Elementary School.

Sa kanyang maikling mensahe, sinabi ng Presidente na kanyang pinangako na tutulungan nito ang mga Kapampangan dahil “pareho-pareho tayong mga Kapampangan.”

Tiniyak nito na kanyang mapapagawa ang nasirang tail dike at iba pang engineering intervention upang matiyak na hindi mangyari ulit ang pagragasa ng pagdaloy ng lahar sa mga bayan na maaaring maapektuhan.

Sa kanyang maikling pananalita, pinuri ni Presidente si Rodriquez, na tinawag nyang “Manong Oca” at maging si Gonzales ay sinambit din ang kanyang pangalan.

Pinuri ni Aquino si Oca sa mga nagawa nito sa kanyang constituents at iba pa.

Nguni’t ang masaklap nito, hindi binigyang pansin ni Presidente si Gob Pineda at mukhang hindi niya binigyan ng importansya.

E kung tutuusin ay mas maraming nagawang kabutihan si Gob Pineda sa kanyang kabalen at nitong kalamidad ay marami itong natulungan na mga kababayan natin.

Nagsagawa pa ng isang relief distribution kaagad si Gob. Pineda sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha at marami pang iba.

Kaya napansin ng lahat ng mukhang hindi binigyan ng pansin ni Presidente si Gob Pineda medyo dumistansya ito.

Hindi po ba ang protocol sa mga ganoon okasyon, dapat unang banggitin ang pangalan ng isang gobernador bago ang iba pa?

Dahil hindi kapardito ni Pangulo si Gob Pineda kaya ganoon na lang ba ang nangyari, kahit panahon ng kalamidad? Dapat isinantabi muna ito. Di po ba? Nagtatanong lang po…

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on August 13, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 42.845

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4538-05-27-34-42-03
4Digit9-2-2-8
Swertres Lotto 11AM7-1-3
Swertres Lotto 4PM5-4-9
Swertres Lotto 9PM9-5-9

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for June 18, 2013

Other front pages

  • Festivals
  • Calamity Report
  • Philippine Polls
  • Pacman blog
  • ePaper
  • tell it to sunstar
  • Sinulog
  • Technology
  • SunStar Sports
  • Habemus Papam
  • Obituary
  • SunStar Celebrity
  • kidsters
  • Filipino Abroad
  • Pnoy
Sun.Star Jobs