Magkakasunod na crime incidents sa Pampanga

-A A +A

Sunday, August 19, 2012

NOONG Agosto 15, apat na magkakasunod na crime incidents ang iniulat ng Pulisya.

Karamihan sa mga ito ay kidnapping, pagnanakaw at holdup na nangyari sa City of San Fernando at sa bayan ng Lubao.

Ang matinding nangyaring krimen ay ang pagkidnap sa isang two-year-old na bata na nakatira sa Avida Subdivision, Barangay Sindalan, City of San Fernando.

Batay sa police report, ang bata ay kasalukuyang nanonood ng TV sa kanilang movie room kasama ang tatlo nitonng yaya.

Ang mga suspek ay pumasok sa bukas na pinto ng bahay ng biktima tuloy-tuloy sa movie room at doon ay sapilitang kinuha ang bata, ayon sa report.

Walang nagawa ang mga kasambahay kundi ibigay ang bata sa mga kidnapper.

At bago umalis ang mga suspek ay tinangay pa nila ang portable safety vault ng ama ng biktima na nasa master bedroom.

At sinakyan pa ng mga suspek ang BMW X3 SUV na pag-aari ng ama ng bata sa kanilang pagtakas.

Hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na tawag mula sa mga kidnaper. Pinasok naman ang bahay ni Danilo Cedena, 54, ng Richtown 2, Subdivision sa Barangay Dela Paz, CSF.

Natangay sa bahay ng biktima ang isang IPOD, MSI notebook laptop, Samsung Galaxy cellphone at Sony Ericsson cellphone.

Maging ang kanyang bag na naglalaman ng undetermined cash at electronic gadgets ay dala ng mga suspek sa kanilang pagtakas.

Riding-in-tandem naman ang nangholdup kay Antonio Bayona, 51, cashier ng BGB’s Enterprises sa kahabaan ng Capitol boulevard sa Barangay Sto. Nino, CSF.

Nakasuot ng camouflage ang dalawang suspek at nagpakilalang mga pulis sa biktima, ayon sa police report.

Tinanong ng mga suspek ang presyo ng softdrinks na kanilang tinitinda at nang isa sa mga ito ay bumunot ng kalbire .45 at sabay nagsabi ng holdup.

Natangay ng mga suspek ang P10,000, limang cellular phones at isang backpack at mabilis na tumakas patungong Bacolor.

Sa Lubao naman, umaaabot sa P62,000 cash, isang laptop, at dalawang cellphones ang tinangay ng mga suspek nang pasukin ng mga ito ang bahay ni Dominador Dabu, 58, ng Barangay San Pedro Palcarangan.

Nadiskubre ng biktima na nagkaroon ng butas ang kanilang bamboo wall sa kitchen at kaagad ito nagduda upang tignan ang kanilang kagamitan.

Wala na nga ang kanilang mahahalagang gamit nang kanyang matuklasan at maging ang kanyang motorized tricycle na nakaparada sa gilid ng kanilang bahay ay ginawa pa ng get-away vehicle ng mga suspek.

Ang lahat ng mga crime incidents na ito ay nangayari noong Agosto 15. Hanggang ngayon ay wala pa ring nahuhuling mga suspek ang PNP sa apat na crime incidents na nangyari.

At pinakaraming crime incidents sa petsa iyon ay nangyari sa CSF...Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on August 20, 2012.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 43.103

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4518-41-25-24-16-37
4Digit9-7-4-8
Swertres Lotto 11AM2-5-7
Swertres Lotto 4PM1-9-8
Swertres Lotto 9PM6-5-1

Today's front page

Sun.Star Pampanga's front page for June 19, 2013

Other front pages

  • tell it to sunstar
  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • kidsters
  • Obituary
  • Sinulog
  • ePaper
  • Calamity Report
  • SunStar Sports
  • Festivals
  • Habemus Papam
  • Technology
  • Pnoy
  • SunStar Celebrity
  • Pacman blog
Sun.Star Jobs