Trending ng politics sa Pampanga
-A A +ABy Ric Sapnu
Sunday, September 16, 2012
KUMAKALAT na ang balitang pagtakbo ng mga politiko sa Pampanga na kung saan naiiba ang “tandem.”
May rumor, sa pagtakbo muli ni Gobernadora Lilia “Nanay Baby” Pineda sa gubernatorial seat sa lalawigan ay kanyang magiging bise ang kanyang anak na si Dennis Pineda.
Yes, ito po ang kumakalat na rumor sa Pampanga kung saan si Dennis (Delta P) ang kanyang magiging bise sa darating na eleksyon.
Maraming nagsasabi na “ok” naman ang kanilang tambalan dahil pareho naman silang tumutulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na may sakit.
Sa kasalukuyan, hindi mapapantayan ng sinumang naging gobernador ng Pampanga ang ginagawang pagtulong ni Gob Pineda sa ating mga kababayan. Tuwing Lunes ng umaga, after ng flag raising, makikita ninyo ang mga kababayan nating mahihirap na nakapila na sa Kapitolyo upang humingi ng tulong kay Gov. Pineda, na kanya naman binibigyan ng kaukulang tulong. Noong binaha ang halos lahat ng bayan sa Pampanga, hindi huminto si Gob sa paglibot sa mga nasalanta ng baha at pagbibigay ng relief goods sa kanila.
Sabi nga ng staff nito, wala kapaguran si Gob sa pagtulong sa kanyang mga kabalen.
Si Delta naman, noong siya ang alkalde ng Lubao, hindi nabibigo ang kanyang mga constituents na humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan.
Kahit hindi na siya mayor ay marami rin itong natutulungan na mga kababayan natin.
At alam ba ninyo na mayroon ding rumor na si Senator Lito Lapid ang ilalaban ng administration kay Gob Pineda?
Ang bise naman ng Senator ay ang kanyang anak na si Maynard, ayon sa kumakalat na rumors sa Pampanga.
Biruin mo nga naman, ang labanan sa gubernatorial seat ay Mother and Son at Father and Son…
Sa bayan ng Bacolor naman ang rumor na kumakalat ay ang pagtakbo muli ni Mayor Jomar Hizon, at ang makakalaban nito ay si dating mayor Buddy Dungca.
At alam ba ninyo ang magiging bise ni Jomar ay ang kanyang ina? E di Mother and Son din ang trend sa Bacolor…
Yes, ganito na po ang trend natin sa politics sa Pampanga.
Kayo po, ano po ang masasabi ninyo sa mga tatakbo nitong darating na eleksyon?
Rampant robbery
Marami na umanong nangyayaring robbery sa Barangay San Jose Malino sa Mexico nguni’t hindi pa rin nabibigyan ng kalutasan ng pulisya.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, noong nanalasa ang Habagat sa lalawigan, isang softdrinks dealer sa nasabing barangay ang nilooban ng mga di-kilalang lalaki.
Nilason muna ng mga suspek ang alagang aso ng nasabing softdrinks dealer bago nakapasok sa kanilang compound.
Sang-ayon sa IO, ang mga nanloob ay pawang armado ng M-16 rifle at nakasakay ng isang van.
Nakulimbat ng mga robber ang cash collection ng dealer na mahigit sa P100,000, jewelry at ang kanyang lisensyadong baril, ayon sa IO.
Maging ang mga cover ng mga drainage steel ay ninanakaw din, kaya tuloy ang mga bata ay nalalagay sa peligro kapag nahulog ang mga ito sa mga kanal doon, ayon sa IO.
Sang-ayon sa IO, bukod sa latest na naging biktima ng mga robber na softdrinks dealer, marami na rin umanong pinasok na bahay at ibang establisyamento sa nasabing barangay.
At hanggang ngayon ay hindi pa nahihinto ang robbery sa Barangay San Jose Malino, kaya nagtatanong po ang mga residente dito kung ano na raw ang ginagawa ng pulisya dito.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on September 17, 2012.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
