Sino-sinong Hepe ang Papalitan?

-A A +A

By Ric Sapnu

Dateline: Olivas

Thursday, July 11, 2013


INAASAHAN na ngayon ng ibang chiefs of police sa Pampanga na sila’y papalitan.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, marami umanong mga chiefs of police ang tiyak na papalitan lalo na kung bago ang nahalal na alkalde.

Siyempre, ayon sa IO, iyon namang “bata” ng bagong mayor ang kanyang iuupo upang maging hepe nito.

Advertisement

Iyong iba naman, kaya papalitan ay dahil nakapagserbisyo na ang mga ito ng dalawang taon o mahigit pa.

Ilan lamang sa mga chiefs of police na umabot sa dalawang taon ang tour of duty ay sina Superintendent Homer Pencilla ng Apalit, Superintendent Rodney Baloyo ng Floridablanca, Chief Inspector Nolasco ng Bacolor at iba pa.

Kaya naman inaasahan ng mga nabanggit na mga hepe na sila’y papalitan na, ayon sa IO.

At noong Lunes, si Superintendent Jhoanna Ponseca-Rosales ang inupo bilang hepe ng Floridablanca.

Pinalitan ni Rosales si Baloyo na natapos na ang two-year tour of duty.
Si Rosales ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class ’99.

Siya ay naging chief ng Regional Public Information Office-3 (RPIO) at pagkatapos ay natalaga sa Regional Investigation Division bago ito nalipat sa Pampanga Police.

Si Rosales pa lamang ang bagong hepe.  Sino kaya ang susunod na papalitang chief of police ni Senior Superintendent Oscar Albayalde, acting provincial police director ng Pampanga Police?  Nagtatanong lang po…
 
P5-milyon Pabaon?

Isang dating naging empleyado ng gobyerno ang nagsabing nagkaroon umano ng pabaon ng tig-P5 milyon ang mga government officials.

Ito ay nabatid ng Dateline na kung saan ang mga konsehal na hindi na tumakbo o tapos na ang kanilang termino ay nagkaroon umano tig P5 milyon na tinaguriang pabaon sa kanila.

Sabi ko sa empleyado, ang laki naman ng kanilang pabaon at bakit naman binigyan pa sila ng ganoon kalaking halaga?

Sang-ayon sa empleyado, hindi nga umano sila naka-sahod noon dahil napunta sa umano’y pabaon.

Ang tanong ng mga kababayan natin, bakit kailangan pa silang bigyan ng pabaon samantalang sumasahod naman sila noon?

At ang tanong pa ng mga kababayan natin, saan naman nanggaling o kinuha ang pondo para sa pabaon na ito? Nagtatanong lang po…

Kawawang Juan… ginamit na naman ang pera ng bayan para sa ilang opisyales.  

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on July 11, 2013.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for November 01, 2014

Other front pages

Sun.Star Jobs
  • Filipino Abroad
  • Obituary
  • Calamity Report
  • tell it to sunstar
  • Festivals
  • Pacman blog
  • ePaper
  • Habemus Papam
  • Philippine Polls
  • Sinulog
  • Sun.Star Zup!
  • Pnoy
  • Sunstar Multimedia
  • goodearth
  • SunStar Celebrity
  • Technology