Sapnu: PCOs/PNCOs/NUPs inaasahan maging RD si Chief Superintendent Santos

MATAPOS mailathala at mabasa ng mga Police Commission Officers (PCOs), Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) at maging ang Non-Uniformed Personnel (NUPs) dito sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters ang kautusan ng Office of Ombudsman sa pagdismis sa mga police officers na sangkot umano sa “anomaly” re-firearms” na kung saan kabilang si Chief Superintendent Raul Petrasanta ay inaasahan ng mga ito ang pag-upo ni Chief Superintendent Ronald Santos bilang PRO3 director.

Matatandaan mula ng masupende si Petrasanta dahil sa kinasasakutan na kaso ni resigned Chief PNP Director General Alan Purisima, si Santos na ang itinalagang bilang Officer-In-Charge ng PRO3.

Mula nang maging OIC si Santos noong nakaraang Disyembre hanggang kasalukuyan ay umaabot na siya pitong buwan sa kanyang puwesto.

Bilang OIC, marami ng naging “accomplishments” ang PRO3 dahil sa kanyang mahusay at maayos na pamamalakad, ayon sa mga nakausap na mga polilce officer ng Dateline.

Malaki ang ibinaba ng crime incidents sa Central Luzon mula nang naging OIC si Santos, ayon pa sa mga police officer.

Maging iyong tinatawag nilang Motorcycle Riding Criminals (MCRs) ay halos nawala sa mga lansangan dahil sa patuloy na ginagawang check-point ng bawat lalawigan ng rehiyon.

Bilang patunay na bumaba ang crime incidents sa Central Luzon mula nang maupong OIC si Santos. Mula Enero 1 hanggang 31, 2015, ang bilang ng murder cases 39, homicide 42, robbery 77, theft 70, carnapping 3, motornapping 33, sumatotal umabot ito ng 264 crime incidents.

Mula Pebrero 1- 28, ang mga naitalang mga crime incidents; murder 77, homicide 29, robbery 54, theft 34, carnapping 5 at motornapping 26, na may kabuaan 225 incidents.

Sa buwan ng Marso, murder 25, homicide, 15, robbery 41, theft 50, carnapping 2, at motornapping 10, na may total na 143 crime incidents. Noong Abril ang mga naitalang mga crime incident ay murder 15, homicide 5, robber 65, theft 64, carnapping 1 at motornapping 24, na may kabuuan 180.

Mayo ang murder ay 30, homicide 11, robbery 69, carnapping 5 at motornapping 28, na may total na 221. At mula Hunyo 1 hanggang 24, murder 17, homicide 9, robbery 38, theft 82, carnapping 2 at motornapping 26, na may total na 174 crime incidents.

Nguni’t nitong Hunyo 25 hanggang Hulyo 3, ay malaki ang ibinaba ng crime incidents halos umabot lamang sa total na limang crime incidents.

Ang pagbaba ng crime incidents sa Central Luzon ay dahil na rin sa patuloy na Oplan Lambat Sibat ng bawat Provincial at City police offices, ayon kay Santos.

Nagpapatunay lamang ang recapitulation of crime incidents na bumaba ang mga iba’t ibang kaso sa rehiyon dahil sa maayos na pamamalakad at pamumuno ni Chief Superintendent Santos.

Kaya naman inaasahan ng mga PCOs, PNCOs at NUPs na si Santos na ang magpapatuloy sa maganda nitong pamamalakad sa PRO3.

Sabi nga nila, karapat-dapat na siya ang maging Regional Director ng PRO3.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph