Sapnu: Lacadin sinibak ang 6 pulis; apat na iba pa pinaiimbesitigahan

TALAGANG galit si Chief Superintendent Rudy Lacadin, Police Regional Office-3 (PRO3) director sa mga pulis na gumagawa ng iligal.

Ito’y pinatunayan ulit ni Lacadin nang matapos nitong paimbestigahan ang anim na police officers nakatalaga sa Angeles City police at napatunayan na sangkot umano sa “extortion.”

Noong Biernes kaagad sinibak ni Lacadin ang anim na pulis sangkot umano sa “extortion” sa isang US retired air force personnel nakilalang si Angelito Jose.

Si Jose ay inaresto ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDU) ng Angeles City noong Abril 1 at siya’y nakulong sa nasabing kasong illegal drugs.

Sang-ayon kay Lacadin tatlong araw nang si Jose ay nakulong pina-withdraw umano ng personnel ng CDU sa BPI bank ng halagang $US1,900.

At nang gabi din ng araw na iyon, nagbigay umano ng halangang P50,000 ang dalawang kapatid ni Jose sa mga personnel ng CDU.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Lacadin, napatunayan ang ginawang umano’y extortion ng anim na puls. At kanyang sinibak kaagad ang mga ito.

Pinalitan naman ng ibang CDU personnel ang mga nasibak na mga anim na pulis na nakilalang sina Inspector Michael Rey Bernardo, PO3 Joseph Garcia, PO1 Jonathan Labao, PO1 Rafael Tagle, SPO2 Dionisio Roque Jr., and SPO2 Gerry Fabia.

Ang mga ito ay itinalaga ni Lacadin sa Nueva Ecija at Aurora Provincial Police Office. Nguni’t ang mga ito ay maaaring maitapon sa Mindanao kapag na-aprub ang “reqest” ni Lacadin sa PNP national headquarters sa Camp Crame.

Ang pahayag pa niya (Lacadin) nang tanungin nito ang anim na pulis ay itinanggi ang akusasyon nguni't ang biro pa niya kung nagsabi lang sila ng totoo ay baka mababaw lang ang ibibigay nitong parusa sa kanila...

Sa panayam ng Dateline kay Lacadin, kanyang ibinunyag na mayroon pang apat na pulis kanyang kasalukuyang pinaiimbestigahan dahil sa “hulidap.”

Sang-ayon kay Lacadin noong Marso 12 inaaresto ng apat na pulis si Adam Lee Qually, isang foreigner nakasakay sa kanyang motorsiklo dahil wala itong helmet.

Ang apat na pulis ay humingi umano ng halagang P45,000 kay Qually at sumunod pa ang karagdagan P3,000.

Hindi naman ibinunyag ni Lacadin ang apat na pulis hanggang hindi matatapos ang isinasagawang imbestigasyon.

Bakit kaya pawang mga PNP personnel ng Angeles City ang nasasangkot sa iligal na gawain? Nagtatanong lang po..

Ang biro ng isang Police Officer, kasi maraming target na maaaring mabiktima sa Angeles City at madali umano'y magsagawa ang mga pulis ng hulidap.

*****

Maraming awards ang nasungkit ng Highway Patrol Unit-3

Noong 61st Highway Patrol Group Anniversary ng Camp Crame, Quezon City na pinamumunuan ni Chief Superintendent Gunacao ay nasungkit ng HPU3 ang Best Regional Highway Patrol Unit of the Year.

Nasungkit naman ng Bulacan Provincial Highway Team ang Best Provincial Highway Patrol Team.

Ang mga nabigyang ng Individual Award ay sina Junior PCO of the Year – Chief Inspector Eric Reverente, Senior PNCO of the Year - SPO2 Siegfred Framil, Junior PNCO of the Year - PO1 Manny B Cayanan PHPT with most nr of AP- PHPT Tarlac.

Sina Inspector Loreta Salgado ng HPU3 ang nakakuha ng Award of Merit (Individual) samantalang ang Tracker Team ( Medalya ng Kagalingan) ay sina Chief Inspector Ronnie Failoga, Inspector Joseph Martin, SPO1 BeverlyCastro, SPO1 Benigno Mercado, SPO1 Hervey Tagle at PO2 Domingo Bulaong.

Binabati ng Dateline ang lahat ng mga awardees ng HPU3. Mabuhay kayo at ipagpatuloy ninyo ang magandang “accomplishments.”

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph