Sapnu: Double Barrel Reloaded nagsimula na? | SunStar

Sapnu: Double Barrel Reloaded nagsimula na?

Time to read
1 minute
Read so far

Sapnu: Double Barrel Reloaded nagsimula na?

Thursday, March 09, 2017

MAYROON na rin isang buwan nasuspendi ni Presidente Rodrigo Duterte ang "Oplan Tokhang" o buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) dahil sa nangyaring slay-kidnap-for-ransom kay Jee Ick Joo.

Naglipana umano muli ang illegal drugs sa bansa dahil sa pagsuspendi ng Oplan Tokhang, ayon sa police officer.

Kaya naman noong Lunes, inilunsad ni Chief PNP Director General Ronald dela Rosa ang "Double Barrel Reloaded" upang i-revive ang Oplan Tokhang 2.

Sang-ayon sa police officer, lalong pag-iigtingin ng PNP ang kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng Double Barrel Reloaded.

Hindi titigil umano ang PNP hanggat hindi masusugpo ang illegal drugs sa bansa, ayon sa police officer.

Ni-revive ulit ni Chief PNP ang kampanya laban sa illegal drugs dahil nakita ng organisasyon sa loob ng isang buwan nang suspendihin ni Duterte ang Oplan Tokhang 2 nagsulputan na parang kabute ang mga sangkot sa drug acitivities.

Maging ang crime incidents ay tumaas ang bilang nito nang masuspendi ang Oplan Tokhang.

Dito lang sa Pampanga, nagkaroon ng snatching at robbery na kung saan kagagawan ng mga riding-in-tandem. Maging ang motornapping case ay may nangyari na rin sa Angeles City.

Maraming sektor ng lipunan ang tumataligsa sa pag-revived ng PNP sa kampanya laban sa illegal drugs dahil mayroon na naman daw mangyayaring Extra Judicial Killings. Maging ang sektor ng Katoliko ay hindi pabor sa pagbalik ng Oplan Tokhang dahil sa mga napapatay na mga drug pusher/user.

Nguni't walang magawa ang ibang sektor ng lipunan maging ang Human Rights Commission dahil matindi ang kampanya ni Pangulong Duterte re-drug war...

Sa Central Luzon karamihan sa mga nakatalagang mga Provincial at City police directors ay taga Davao City o matagal natalaga sa naturang lungsod kaya naman inaasahan ni Chief PNP na magde-deliver ang mga ito.

Nang maupo si Duterte at kanyang inuutos ang drug war, nanguna ang Bulacan police sa bilang ng mga napapatay na mga drug personality. At ang Bulacan police ang number one sa lahat ng regional police offices sa bansa.

Sa simula ng Double Barrel Reloader, sino kaya mga Provincial at City police director ang makakapag-deliver ng maraming accomplishments sa kanilang kampanya sa Double Barrel Reloaded? Nagtatanong lang po,...

*****

Bagong PRO3 Deputy Regional Director for Administration

Si Senior Superintendent Elmer Bantog ang bagong Deputy Regional Director for Administration (DRDA). Naupo si Bantog noong Lunes.

Bago natalaga bilang DRDA sa PRO3, galing si Bantog sa Miraropa o PRO4-B bilang Deputy Regional Director for Operations (DRDO).

Naging Provincial Director din si Bantog sa Aurora Police Office na kung saan mahigit dalawang taon nagserbisyo doon bago ito nalipat sa Camp Crame, Quezon City at pagtapos sa PRO4-B.

Si Bantog ay miyembro ng Philippine Military Academy Class '87.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on March 10, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments