Sapnu: Zambales police lumalaban sa Double Barrel Reloaded campaign

MATATANDAAN pumapangalawa ang Pampanga Police Provincial Office sa kampanya ukol sa Double Barrel Reloaded.

At nitong nakaraang linggo, mukhang lumalaban ang Zambales Police Provincial Office (ZPPO) sa kampanya laban sa illegal drugs o Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police.

Sa kampanya ng ZPPO sa pamumuno ni Senior Superintendent Christopher Mateo bilang acting provincial director, sa loob ng limang araw ng kanilang anti-illegal drug operations limang drug personalities ang napatay.

Tatlong drug suspects ang napatay sa Barangay Amungan, Iba, Zambales ng di-kilalang armadong lalaki.

Kinilala ni Mateo ang napatay na sina Aliver Dela Cruz, Ian Roi Josafat at Jhonel Abadam, pawang taga Barangay Amungan, Iba. Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38, 15 plastic sachets ng shabu, two packs of cigarettes na may laman marijuana leaves at kanilang get-away motorcycle.

Sa isang isinagawang drug bust operation sa Barangay Santiago, Botolan, Zambales, dalawang suspek ang napatay nang makipalitan ang mga ito ng putok sa mga pulis.

Ang napatay ay sina Artemos Baylon Jr., at ang kanyang unidentified cohort.

Narekober mula sa mga napatay ang isang kalibre .38, 12 plastic sachets of shabu at isang hand grenade.

Subalit hindi pa rin mauunahan ang Bulacan police provincial office sa pamumuno ni Senior Superintendent Romeo Caramat sa kampanya sa Double Barrel Reloaded dahil ilan ng drug suspects ang napapatay sa kanya area of jurisdiction.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph