Sangil: Paano lutasin ang riding-in-tandem na krimen? | SunStar

Sangil: Paano lutasin ang riding-in-tandem na krimen?

Time to read
1 minute
Read so far

Sangil: Paano lutasin ang riding-in-tandem na krimen?

Friday, April 21, 2017

NAALALA ninyo pa ba noong tayo'y nasa elementarya? Sa taas ng blackboard ng classroom natin, iba't ibang mga panuntunan sa buhay na nakasulat sa inglis. Ang pinaka-karaniwan ay iyong "Honesty is the best policy," "To God be the Glory," at "Cleanliness is next to Godliness," etc.

Walang batang mag-aaral ang hindi tinuruan ng "good manners and right conduct" o GMRC. Pinapanday ang ating mga murang isip sa mga bagay na sukat nating ikilos at isalita, maging sa kaklase, titser, kaibigan, kasamahan sa bahay at maging sa ating magulang at kapatid.

"Kung ano ang gawa ng matatanda ay ginagaya ng mga bata, dahil akala nila ito yung tama." Naalala ko tuloy ang mga naging kaganapan noon sa senado kung ano ba ang pumasok sa ulo mga mambabatas na kung na magbatuhan ng putik ay ganoon-ganoon na lang. Mapapagkamalan mo tuloy at mausal mo na animo'y walang pinag-aralan. Madalas silang magbitaw ng hindi kanais-nais na salita sa harap ng sambayanang Pilipino?

Kung ikaw ay halal ng bayan at ganiyan ka umasta, aba eh, nakakahiya ka talaga. Dismayado ang mga nobleng kasamahan nila, at higit na dismayado ang mamayan. Sa ibang banda naman, kahit papaano, at least ika nga sa inglis, nakita natin ang tunay na pagkatao nila.

Hindi po ba na pag may binitiwan kang salita na hindi kanais-nais sa pandinig, ang sasabihin noong nakapakinig eh, "parang walang pinag-aralan ang taong ito." Naisipan kong iakda ngayong Sabado ang ganitong tema dahil napansin ko sa ilang pahina ng pahayagan ito na maraming artikulo na maaring nabasa na rin ninyo ang mga sumulat ay mga guro. At nitong malapit na ang pasukan siguro magandang paalala na bukod sa mga iba't ibang aralin, sukat palakasin ang pagtuturo sa GMRC.

Sa ganang akin, kailangan magkaroon tayo talaga na may government sponsored driving academy lalo na sa mga drayber ng pampublikong sasakyan.

Karamihan sa mga krimen na ating nababasa ang mga salarin ay mga riding in tandem. Sabihin lang ni Pangulong Duterte na "simula ngayon bawal mag-angkas sa motorsikulo." Tapos! Noong sabihin ni dating Pangulong Noy na walang wangwang, nawala hanggang ngayon.

Mag-iisang taon na si Duterte bilang pangulo at sa istatistika libo libo na ang mga nasawi sa kaniyang Operation Tokhang, subali't hanggang ngayon ang dami pa ring nahuhuli mga drug pushers at users. Walang takot ang mga ito.

Published in the SunStar Pampanga newspaper on April 22, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments