PRO-Central Luzon nagsasagawa ng mga PNP Checkpoint | SunStar

PRO-Central Luzon nagsasagawa ng mga PNP Checkpoint

Time to read
1 minute
Read so far

PRO-Central Luzon nagsasagawa ng mga PNP Checkpoint

Wednesday, June 21, 2017

KUNG mapapasin ninyo nitong nakaraang lingo, marami na rin mga PNP checkpoint ang itinayo sa bawat lalawigan at lungsod sa Gitnang Luzon.

Ito ang naging epekto ng pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City dahil sa kaguluhan doon sa mga Maute Group.

Kaya naman inatasan ni Chief Superintendent Aaron Aquino, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director ang lahat ng mga Provincial at City police director sa rehiyon na magsagawa ng PNP checkpoint.

Ito’y isang bahagi ng paghahanda ng PRO3 kung sakaling makarating sa rehiyon ang mga Maute Group.

At paglalagay ng PNP checkpoint ay isa sa kampanya ng PRO-Central Luzon na Oplan Sita sa Central Luzon.

At noong Lunes, apat na drug suspek ang naaresto ng otoridad sa magkahiwalay na checkpoint sa lungsod ng Angeles at Olongapo.

Nakasakay ang mga ito sa motorsiklo ng sitahin at ipahinto ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint nguni’t sila’y nagtangka pa tumakbo.

Sa hot pursuit operation, ang apat na suspek at naaresto at nakuha mula sa kanila ang anim na sachet na shabu.

Noong Linggo ng gabi, isang PNP checkpoint ang nadaanan ng inyong lingkod sa Mabalacat City malapit sa Xevera Subdivision.

Naka camouflage ang mga pulis na sa checkpoint at ang unahan kong van ay kanilang sinita dahil sa license plate.

Maging sa Angeles City may nakalagay na checkpoint at karamihan sa kanilang sinisita ay pawang mga nakasakay ng motorsiklo.

Ang paglalagay ng mga PNP Checkpoint ay nakakatulong sa peace and order sa rehiyon dahil iyong mga kriminal na nagbabalak gumawa ng di kanais-nais ay nagdadalawang isip na pumasok sa Central Luzon.

Published in the SunStar Pampanga newspaper on June 22, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments