Sangil: Tell that to the marines | SunStar

Sangil: Tell that to the marines

Time to read
1 minute
Read so far

Sangil: Tell that to the marines

Friday, August 11, 2017

HINDI biro ang maging isang lingkod bayan, lalo na kung ikaw ay matapat at matupad sa iyong sinumpaang tungkulin. Lahat ng nagtatrabaho sa pamahalaan pagkatapos mahirang ito ay may tinatawag na Oath of Office, babasahin, at ito'y manunumpa.

Ganoon din ang Pangulo ng Pilipinas, senadores, kongresista, gobernador, bise gobernador, bokal, alkalde, bise alkalde, konsehales, kapitan ng barangay at mga kagawad.

At bukod dito, tuwing Lunes, araw ng unang pasok na kung saan magkakaroon ng flag raising ceremony ay may panunumpa na naman gagawin, panunumpa sa watawat at panunumpa sa katungkulan.

Sa mga tagpong ito ay makikita lahat na nakataas ang kamay na kasama ang pinuno at sila'y “buong puso” kuno na hindi sila sa magnanakaw at tatanggap ng suhol etc. etc (tanungin kung sino man sa kakilala niyong nagtatrabaho sa kongreso, kapitolyo o munisipyo kung hindi totoo ang sinasabi ko).

Taimtim ang panunumpa, hindi po ba? At halos linggo linggo. Ang tanong! Bakit ang daming magnanakaw at iba mandarambong sa gobyerno? Sumakatuwid ritwal lang bale yung ipapatong pa ang kaliwang kamay sa biblia habang nakataas ang kanang kamay at susumpa ng katapatan. Sa hulihan pa ng panunumpa, idadawit pa ang Diyos. SO HELP ME GOD!

Sino sa nagbabasa nito na magpapasubali na mahigit sa kalahati, o baka higit pa sa kalahati ang magnanakaw na taong gobyerno sa pera ng bayan? Itong inumit ng malilikot na kamay ng mga taong gobyerno ay sukat sana'y nailaan sa pagpapatayo ng tulay, karsada, eskwelahan, ospital at gamot sa mahihirap nating mga kababayan.

Siguro naman nakapagbasa na kayo nitong nakaraang Linggo, o dili kaya nakapakinig sa radyo o nakapanood sa telebisyon tungkol diyan sa away ng mag-asawang Bautista, si Patricia na umano'y may bagong BF at asawang Andres na siyang pinuno ng Comelec (Commission on Elections) na nagkamal umano ng salapi sa masamang paraan. Bah! Parehong galing sa buena pamilya ang dalawa. Parehong nag-aral sa mga Catholic schools. Bakit ganiyan? Anyare?

At dito sa Bureau of Customs, itong sila Commissioner Nicanor Faeldon at ilang mga dating kagawad ng hukbong sandatahan na karamihan sa kanila'y nagtapos diyan sa Philippine Military Academy ayaw maniwala ang sambayanan na hindi sila sa nakinabang sa mga “tara” (grease money). Tanong! Hindi nga ba sila nakinabang kahit piso sa lagayan sa adwana? Sabing sabay sabay ng mga kasama ko sa Monday Club at Wednesday Club. TELL THAT TO THE MARINES.

Tweets:

+ Know more about Bases Conversion and Development Authority(BCDA) President Vince Dizon who was featured on Pampanga PEP, a local magazine. The BCDA is proud of his Kapampangan heritage and his growing years in Porac, hometown of his Lolo Vivencio and dad Atty. Esting.

+Applause, more applause, standing ovation for Mirjan S. Hipolito a magna cum laude of the City College of Angeles (CCA) who was voted as one of the Most Outstanding Students of the Philippines (TOSP). Brain and beauty. She was former Mutya ning Angeles.

+ The establishment of the City College of Angeles under the stewardship of Angeles City Mayor Edgardo D. Pamintuan is one major accomplishment and envy of other cities in the country. This is the undisputable legacy of Mayor Edpam. Bravo! Kids coming from poor families, who otherwise can't finish school are now armed with college diplomas and getting decent and good paying jobs. Double bravo!

Published in the SunStar Pampanga newspaper on August 12, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments