Sapnu: Mag-ingat sa mga Riding-in-tandem | SunStar

Sapnu: Mag-ingat sa mga Riding-in-tandem

Time to read
1 minute
Read so far

Sapnu: Mag-ingat sa mga Riding-in-tandem

Sunday, August 13, 2017

NAGSIMULA na naman ang mga Riding-In-Tandem (RIT) sa kanilang snatching sa Pampanga.

Matatandaan laganap ang robbery/holdup na kagagawaan ng RIT armed men hindi lang sa Pampanga kungdi sa iba pang lalawigan sa Central Luzon.

Nahinto ang iligal na gawain ng RIT armed men nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte at sinimulan nito ang kampanya nito sa illegal drugs.

Mula noon naibsan ang robbery/holdup incident dahil sa malawakang kampanya ni Duterte sa illegal drugs.

Nguni’t nitong nakaraang ilang linggo, dalawang insidente ng robbery/holdup ang naganap sa City of San Fernando.

Isang nakilalang Jocelyn ang nagging biktima ng RIT armed men nang tangayin ang kanyang bag.

Nangyari ang naturang snatching malapit sa gate ng Cherhill subdivision, ayon sa police report.

Naglalakad noon ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang tumabi ang isang motorcycle na may sakay na dalawang lalaki, ayon sa report.

Biglang hinablot ng mga suspek ang bag ni Jocelyn at pagtakapos sabay pinahuhurot ang kanilang motorcycle patungong Angeles City.

Ang biktima ay natulala at ni hindi ito nakasigaw na hinablot ang kanyang bag.

Isang estudiante ang naging biktima din ng mga holdaper. Ito’y naganap sa harap ng San Fernando Elementary School.

Pagbaba sa jeepney ng estudiante, tinutukan kaagad ito ng isa sa mga suspek at sabay sinabihan ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang mga kagagamitan.

Walang magawa ang estudiante at ang mga suspek ay tumakbo patungong sa Barangay Lourdes.

Sa naturang dalawang insidente, dapat gumawa ng aksyon ang City of San Fernando police.

Pababayaan na lang ba natin ang mga RIT mag-operate sa City of San Fernando? Nagtatanong lang po.

Ano na ba ginagawa ng hepe ng City of San Fernando? Nagtatanong lang po.

Published in the SunStar Pampanga newspaper on August 13, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments