Bato sa 116th Police Service Anniversary celebration | SunStar

Bato sa 116th Police Service Anniversary celebration

Time to read
1 minute
Read so far

Bato sa 116th Police Service Anniversary celebration

Thursday, August 31, 2017

POLICE Regional Office (PRO)-Central Luzon ang Best Performer Unit in campaign against illegal drugs.

Ito ang unang binitawan na salita ni Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagbisita nito sa Camp Olivas sa 116th Police Service Anniversary Celebration noong Martes.

Eksaktong 9:00 a.m. dumating si Dela Rosa bilang guest of honor and speaker sa nasabing okasyon.

“I will take this opportunity to commend PRO-3 for the accomplishments against illegal drugs,” pahayag ni Chief PNP sa mga dumalong government officials at iba’t ibang government agency directors.

“Saludo ako at tapang ng mga PRO-3 personnel sa pakikibaka sa kampanya nila laban sa droga,” pahayag pa ni Bato.

Sinabi pa niya na hanggad ng PNP ang pag-igtingin ang kampaya laban sa droga lalo na ang kanilang sinasabi nilang drug lord, drug pusher at iba pang drug personality.

Sang-ayon pa kay Dela Rosa, hindi natutulog ang PNP at hindi nagpapahinga laban sa droga.

Pinahayag pa niya na patuloy ang paglilinis ng PNP sa mga scalawags in uniform.

Sa naturang okasyon personal na nagbigay ng mga plaque of appreciation sa mga awardee.

Ang nakatanggap ng individual awards ay sina Superintendent Maylin Domingo, Superintendent Heryl Bruno, Chief Inspector Milo Abriam, SPO1 Nida Kabiling, SPO3 Jonathan Ponseca, PO3 Jewelle Rivera, PO3 Cheribeth Poblete at NUP Mary Jean Aganad.

Ang unit awards kabilang ang Bulacan Police Provincial Office, Angeles City Police Office, Malolos City Police Station, Gerona Municipal Police Station, Tarlac Provincial Public Safety Company, Olongapo City Public Safety Company, Regional Health Service 3 at Criminal Investigation and Detection Group 3.

Ang nabigyan ng Special Awards ay miyembro ng PRO-3 Regional Advisory Council na sina Maria Vicente Vega-Kabigting, Dir. Dulce Cochon, Jose B. Tan, Reghis Romero II, Rev. Msagr. Eugenio Mercado Jr., Reynaldo Malig, Dr. Rowena Mangubat, Amos Benett Agbuya, Ang Inyong Lingkod, Engr. Fernando Limbitco, Pastor Edith DM Ocampo, at Director Rodolfo Santos, Jr.

Vargas as Angeles City police OIC

Sa Biernes mauupo bilang Officer-In-Charge si Senior Superintendent Enrico Vargas ng Angeles City Police Office.

Si Senior Superintendent Patrick Villacorte ay malilipat sa ibang rehiyon upang maupo ito bilang chief of directorate staff.

Congrats, sir Vargas! Good luck sa inyong new assignment sir.

Published in the SunStar Pampanga newspaper on August 31, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments