Sapnu: Basag kotse umatake na naman | SunStar

Sapnu: Basag kotse umatake na naman

Time to read
1 minute
Read so far

Sapnu: Basag kotse umatake na naman

Monday, October 02, 2017

MUKHANG lumalala ang insidente ng Basag Kotse sa City of San Fernando at Angeles City at wala pang ginagawa ang Pulisya.

Noong Septiembre 26, isang pulis na naman ang naging biktima ng mga Basag Kotse gang.

Ipinarada ni PO3 Gerald Fetalvero, 33, nakatalaga sa Police Station 4 ng Angeles City ang kanyang Toyota Vios (ZLK-786) sa Don Pepe Henson Street, Marisol Village, Barangay Ninoy Aquino, Angeles City ng dakong 11:30 p.m.

Nagtungo sa isang food grill si Fetalvero kasama ang ilang mga kaibigan nito upang mag-dinner.

Nang bumalik ito sa kanyang kotse dakong 1:30 a.m. napuna nito ang kanan bintana nito ay basag na.

Nadiskubre nito ang kanyang issued Glock 17 pistol, sling bag na naglalaman ng Nokia phone at make-up kit natangay ng mga Basag Kotse gang.

Matatandaan noong Septiembre 24, naging biktima naman si SPO3 Romel Bautista, nakatalaga sa Regional Human Rights Affairs Office ng Bukas Kotse gang.

Naparada ang Toyota car ni Bautista sa New Public Market sa Barnagay Del Pilar, City of San Fernando nang buksan ito ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang kanyang isang sling bag na kung saan naglalaman ng kanyang isyu .9mm pistol, wallet, PNP IDs, driver’s license, RCBC ATM card, Philhealth, Pag-Ibig ID, Passbook AFPSLAI, Lenova laptop at cellphone.

At noong Septiembre 23, naging biktima si Joelle Yu, 39, ng Basag Kotse gang.

Ipinarada ni Yu ang kanyang Suzuki Celerio malapit sa Hungry Tigers Restaurant sa Pulungbulo, Angeles City at nang bumalik ito sa kanyang sasakyan ang bintana nito ay basag at nakuha ng mga suspek ang kanyang mossimo sling bag na naglalaman ng P180,000 cash, wallet nito, credit cards, IDs, passbook at checkbooks.

Sa tatlong kaso ng naturang insidente wala pang nahuhuling suspek ang Pulisya….

Kaya ang payo ng PRO3, wag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng behikulo at iparada ito sa malinag na lugar.

Published in the SunStar Pampanga newspaper on October 02, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments