Sapnu: Bukas kotse gang umatake sa mall | SunStar

Sapnu: Bukas kotse gang umatake sa mall

Time to read
less than
1 minute
Read so far

Sapnu: Bukas kotse gang umatake sa mall

Wednesday, October 11, 2017

TALAGA yatang talamak na ang mga insidente ng Bukas Kotse at Basag Kotse sa Central Luzon.

Nitong nakarang Linggo, isa naman ang naging biktima ng Bukas Kotse gang.

Nangyari ito sa SM City Clark parking lot sa Malabanias, Angeles City na kung saan tatlo katao ang nabiktima ng Bukas Kotse gang.

Sang-ayon sa report ng Angeles City police, kinilala ang mga biktima na sina Vander Jeau Enguillo, 21, ng Batis, San Juan, Manila; Ma. Christina Fhe Llena, 18, at John Rober Sagaoinit, kapwa taga Manaoag, Pangasinan. Nagtungo sila sa SM Clark at ipinarada nila ang kanilang KIA Besta van (XBF-205) sa nasabing parking lot ng mall.

Kumain ang mga biktima ng lunch sa loob ng SM Clark at nang bumalik ang drayber sa kanilang behikulo laking gulat nito ang kanan pinto ay bukas na.

Sang-ayon sa report, natangay ng mga suspek ang mga bag ng mga biktima na naglalaman ng mahahalagang gamit kagaya ng mga cellphone, mga passport, 5,000 Hongkong Dollars at 100 US dollar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng otoridad nakuhang nabuksan ng mga suspek ang bintana ng sasakyan.

Matatandaan na isinulat din ng inyong lingkod ang sunod-sunod insidente ng Bukas at Basag Kotse sa City of San Fernando at Angeles City.

Dalawang pulis na ang naging biktima ng Bukas/Basag Kotse gang at isa naman ay isang negosyante.

Lumalala na yata ang insidente ng Bukas/Basag Kotse sa Pampanga at Angeles City? Nagtatanong lang po...

At take note, sa parking lot ng mall ang nangyaring insidente ng Bukas Kotse.

Hindi na rin pala safe sa mga parking lot ng mall?

Ano na kaya ang aksyon gagawin ng mga may-ari ng mall? Nagtatanong lang po...

Published in the SunStar Pampanga newspaper on October 12, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments