Malinis na pagkain ay kasinghalaga ng tamang nutrisyon

-A A +A

By Dr. Rey B. Aquino

PhilHealth Corner

Wednesday, November 24, 2010


SA SUSUNOD na buwan ay ipagdiriwang na naman natin ang Kapaskuhan at siguradong abala na naman ang mga ina ng tahanan sa paghahanda ng iba't-ibang putaheng ihahain pagsapit ng Noche Buena at maging sa mga inaanak sa araw mismo ng Pasko.

Karaniwan ay nalilimutan ng marami ang pagdidiyeta dahil sa bumabahang pagkain. Nariyan din ang kaliwa't kanang Christmas parties at family at school reunions na talaga hinding-hindi mawawalan ng masasarap na pagkain.

Marami na tayong nabasa tungkol sa kahalagahan ng disiplina pagdating sa mga kinakain at hindi na iyon ang ating pagtutuunan ng pansin ngayon. Baka kasi maging makulit na ako at KJ (kill joy) sa iba kaya minabuti kong ang talakayin ngayon ay ang kahalagahan naman ng malinis na pagkain.

Maaari kasing tama at masustansiya ang pagkain ngunit kung hindi naman malinis ang paghahanda nito ay maaari ring magdulot ng karamdaman sa atin gaya ng food poisoning, hepatitis A at B at cholera.

Laging naiuugnay ang food safety sa street foods. Pamilyar ang marami sa atin sa mga pagkaing nabibili sa kalye gaya ng kwek-kwek, adidas, kikiam, squid ball at fish ball at mga inuming gaya ng sago't gulaman, buko at iba pa.

Iyun nga lang, mataas ang posibilidad na madale tayo ng mga sakit na ito dahil sa hindi Malinas na preparasyon at pagtitinda sa mga ito. Kung talagang hindi maiiwasang kumain ng street foods, tiyaking sila ay may sanitary permit mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa World Health Organization, para mapanatiling ligtas ang pagkain ay dapat magsimula ito sa kalinisan ng gagamiting tubig at sangkap sa pagluluto hanggang sa kalinisan ng kapaligiran lalo na kung saan inihahanda ang pagkain. Siyempre kasama rito ang mga kasangkapan at ang magluluto at mga tagapaghanda.

Para maiwasan natin ang pagkakasakit hindi lang ngayong holiday season kundi sa buong taon, narito ang ilang paalala:

- Laging tingnan ang expiration date ng mga binibiling pagkain lalo na kung mura nang ibinebenta ang mga ito.
- Ihuli ang frozen at perishable items sa pamimili.
- Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng pagkain.
-
Para maiwasan ang cross-contamination, ihiwalay ang sariwang karne, manok at isda para hindi malagyan ng katas ng mga ito ang ibang sangkap sa pagluluto. Pagkatapos hiwain ang mga ito ay hugasang mabuti ng hot soapy water ang sangkalan, countertop, kutsilyo at iba pang kasangkapang ginamit.
- Mas mainam na magkaroon ng hiwalay na sangkalan para sa karne, at sa gulay at prutas para maiwasan ang cross contamination.
- Ihiwalay din ang hilaw sa lutong pagkain. Lutuing mabuti ang pagkain upang mamatay ang anumang mikrobyo (gaya ng salmonella) sa hilaw na karne.
- Siguruhing natunaw na nang husto ang yelo (thawed) ang frozen foods para maluto nang mabuti hanggang sa loob ng karne.
-
Panatilihin din sa tamang temperatura ang mga lutong pagkain para hindi agad mapanis. Ang mga putaheng may tomato sauce gaya ng spaghetti o menudo ay hindi pwedeng iwan sa room temperature dahil madaling masira. Keep hot foods hot and cold foods cold.
-
Gumamit ng serving plate na katamtaman ang laki at mag-refill na lamang kung kinakailangan. Huwag hayaang nasa room temperature ang nakahaing pagkain ng mahigit sa dalawang oras para maisawan ang food borne illnesses.
- Kung may matirang pagkain, agad na ilagay sa refrigerator.

Healthy eating sa inyong lahat!

Ngayong Biyernes sa Hataw. Varicose veins, dapat bang ipag-alala? Ito ang tatalakayin natin ngayong Biyernes sa PhilHealth, Hataw sa Serbisyo sa Biyernes, November 26, 2010, mula 10:00 hangang 10:30 a.m. sa DWIZ 882 Khz AM. Kasama ko sa nasabing programa sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati Sarne.

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on November 24, 2010.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for September 01, 2014

Other front pages

Sun.Star Jobs
  • Sunstar Multimedia
  • SunStar Celebrity
  • goodearth
  • Pacman blog
  • Filipino Abroad
  • Obituary
  • tell it to sunstar
  • Technology
  • Sun.Star Zup!
  • Pnoy
  • Habemus Papam
  • Festivals
  • Sinulog
  • Philippine Polls
  • Calamity Report
  • ePaper