carnapping/carjacking, di masugpo?
-A A +ABy Ric Sapnu
Sunday, January 9, 2011
MUKHANG lumalala ang carnapping at carjacking incidents sa Pampanga at nahihirapan yatang masugpo ito ng Philippine National Police (PNP).
Nitong bago mag-Pasko, isang Toyota Fortuner ang kinarnap sa parking lot ng Cely's Restaurant sa kahabaan ng Lazatin Boulevard.
Ipinarada ng biktima ang kanyang SUV sa parking lot ng Cely's upang kumain ng tanghalihan.
Sulabi't pagkatapos nitong kumain at balikan ang kanyang SUV, laking gulat nito nang wala na ang kanyang nakaparadang sasakyan.
Wala umanong nakakita kahit isang saksi sa ginawang pagkuha ng mga karnaper sa SUV ng biktima.
Inireport naman umano ng biktima ang naturang pangyayari sa City of San Fernando Police, ngunit hindi na rin nahabol ng mga Pulis ang nasabing carnappers.
Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na balita sa City Police kung ano ang nangyari sa nasabing carnapping incident.
Araw-araw, maraming kababayan natin ang kumakain sa Cely's dahil masarap at mura lamang ang pagkain dito.
Ito ang unang insidente ng carnapping na nangyari sa Cely's.
Noong Disyembre 22 naman, isang negosyante ang binaril at napatay ng mga carjacker matapos nilang sapilitang kunin ang kanyang bagong Mitsubishi Montero sa Barangay Baliti, Arayat.
Mismo sa harapan ng bahay ni Arsenio Pangilinan, 56, kinuha ng armed men ang sasakyan, at nang ayaw ibigay umano ng biktima, siya'y binaril.
Kadarating lamang ni Pangilinan kasama ang kanyang pamilya galing sa isang party nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang mga suspek, at ang tatlo dito ay bumaba sa kanilang Honda upang kunin ang SUV ng biktima.
Isang Honda City (AKN-435) na pag-aari naman ng isang balikbayan na si Jacqueline Soto, 40, ng Mt. View Subdivision, Barangay Balibago, Angeles City ang kinarjack din noong Disymbre 22.
Ipapasok umano ng biktima ang kanyang kotse sa garahe nang biglang sumulpot ang mga suspek na pawang armado ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang sasakyan.
Hanggang sa kasalukuyan, ang tatlong insidente ng carjacking at carnapping ay hindi pa rin umano nalulutas ng PNP.
Hindi lang ang tatlong insidente ng carjacking at carnapping ang nangyari nitong nakaraang buwan. Maging ng mga nakalipas na buwan bago mag-Disyembre, marami inireport na mga carnapping at carjacking incidents sa iba't ibang lugar sa Central Luzon.
Ang tanong ng mga kababayan natin, kailan kaya masusugpo ang carjacking at carnapping incidents sa Pampanga at karatig bayan? Nagtatanong lang po sila.
Hindi na umano biro ang sunod-sunod na carjacking at carnapping incidents sa Pampanga at karatig bayan. Ito'y nakaka-alarma na sa mga vehicle owners.
New Year's Courtesy Call kay Purisima
Noong Enero 7, lahat ng mga provincial at city police directors ay nag courtesy call kay Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, Central Luzon police director.
Kasama din ang iba't ibang police units at mga ilang chiefs of police ang nagbigay courtesy kay Purisima.
Ang New Year's Courtesy Call ay taon-taong ginagawa pagkatapos ng bagong taon.
Naging tradisyon na ng PNP ang pagbibigay galang sa kanilang pinuno.
Pagkatapos ng Courtesy Call, isinagawa na rin ang Command Conference na kung saan lahat ng mga provincial at city police directors ay nagbigay ng kanilang report.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on January 10, 2011.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

