CCTVs, Kailangan Na
-A A +ABy Ric Sapnu
Wednesday, December 22, 2010
TUMATAAS na ang bilang ng mga shooting incidents na pakana ng mga riders-in-tandem nitong nakaraang linggo.
Sa halos lahat ng lalawigan sa Central Luzon, karamihan sa mga krimen ay kagagawan ng unidentified armed men riding in tandem.
Batay sa police records, ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac ang may pinakataas na bilang ng krimen, at halos pakana ng mga riders-in-tandem.
Sumunod sa dalawang lalawigan ang Bulacan at Pampanga, na kung saan hindi na rin mapigil ng Pulisya ang pag-atake ng mga riders-in-tandem.
Matatandaang nitong nakaraang linggo lang, isang manager at appraiser ng isang bangko sa Rizal, Nueva Ecija ay binaril matapos holdapin ng riders-in-tandem.
Maging sa police records ng Tarlac at Bulacan, marami na ring umatakeng
riders-in-tandem.
Marami ding riders-in-tandem ang umaatake sa Angeles City. Nitong nakaraang linggo lamang, isang American ang binaril at napatay.
Binaril ng riders-in-tandem si Algier Pingul sa harapan ng kanyang junkshop sa Barangay Sto. Niño, City of San Fernando. Malapit pa naman sa Pampanga Police Provincial Office ang pinagyarihan ng shooting incident.
Isang Dental Clinic sa Barangay Sindalan ang nilooban naman ng riders-in-tandem ng tanghaling tapat, at mabilis ding nakapuga ang mga ito.
Kinakailangan na sigurong maglagay ng CCTVs ang bawat lalawigan at maglagay ng mga checkpoints sa mga strategic areas ang Philippine National Police (PNP) para masugpo ang mga ito.
Matantandaang pagka-upo ni Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda ay naglalaan o nagbigay siya ng P20 milyon sa Pampanga Police bilang “intelligence fund.”
Ang pagbibigay ni Pineda sa Pampanga Police ay upang matiyak na maayos at maging peaceful at orderly ang kanyang nasasakupang lalawigan.
Hindi pa malaman ngayon kung naibigay na ng Provincial Government ang nasabing intelligence fund na inilaan ni Pineda para sa Pampanga Police para magamit ito sa pagsugpo ng pagtaas ng bilang ng krimen sa lalawigan.
At sa nasabing halaga, maaari ng bumili ang Pampanga Police ng mga CCTVs at ilagay ito sa mga strategic areas para kahit paano ay makikilala ang mga unidentified armed riders-in-tandem na umaatake sa Pampanga.
Ipinahayag noon ni Gov. Pineda na ibig nitong maging maayos ang peace and order situation sa kanyang lalawigan at kanyang inaasahan na gagawin ng Pampanga Police ang kanilang makakaya.
Dahil ani Gov Pineda, kapag maganda ang peace and order sa lalawigan ay maraming investors ang maglalagay ng kanilang business.
Sa mga readers ng Dateline: Olivas, ang inyo pong lingkod ay bumabati ng MALIGAYANG PASKO sa inyong lahat at maraming salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa pitak na ito.
Announcement
The Jose Abad Santos High School (JASH) batch ’70 will be having a class reunion on December 30 at Gigster Resto Bar, located along Jose Abad Santos Avenue (JASA) in front of City Terminal.
Registration will start at 8:00 a.m.
There will be a raffle of big prizes, kaya munta naka kaklase, para mikit-ikit tamu.
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on December 23, 2010.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
