CSF police chief sinong mapipili?
-A A +ABy Ric Sapnu
Sunday, November 7, 2010
NAKATAKDANG malipat na si Superintendent Eden Ugale, hepe ng CSF police, sa Tarlac police nitong darating na linggo pagkatapos ng election ban.
Napag-alaman ng Dateline, si Ugale ay malilipat bilang Deputy Provincial Director for Operations sa Tarlac Police Provincial Office (TPPO).
Isang promotion ang paglipat ni Ugale sa Tarlac Police at siya'y malapit na rin ma-promote ng Senior Superintendent.
Matatandaan si Ugale ay dating hepe ng Tarlac City Police Station bago ito nalipat ng CSF Police Station noong Disyembre.
Pinalitan ni Ugale si Superintendent Marcelo Dayag dahil siya'y nakatakdang italaga noon sa Lubao Police Station.
Sa termino ni Director Arturo Cacdac, dating Regional Police Office-3 (PRO3), bago ito nalipat sa National Headquarters sa Camp Crame.
Halos umabot ng 10 buwan si Ugale bilang hepe ng CSF police station at ngayon ay nakatakda na itong mai-tatalaga sa TPPO.
At sa paglipat ni Ugale sa TPPO, maraming police officer ang naghahangad sa kanyang puwesto at kung sino-sino ang kanilang nilalapitan upang mapili ito ni Mayor Oscar Rodriguez.
Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, limang police officer ang nirekomenda ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) at naisumite na ito kay Mayor upang doon ito mamili.
Ang limang nasa listahan na kandidato sa pagka-hepe ng CSF police station ay sina Superintendents Rodney Baloyo, Luisito Magnaye, Benjamin Medina, Ricardo David at Ricardo Saavedra.
Sina Medina, David at Saavedra ay kasalukuyang nakatalaga ang mga ito sa PPPO at mayroon na rin ng kani-kanilang mga puwesto.
Si Baloyo naman ay kasalukuyang nakatalaga ito sa Floridablanca Police Station bilang hepe, samantalang si Magnaye ay deputy naman ng Regional Division for Operations.
Sang-ayon sa IO, ang nasabing police officer ay kanya-kanya sila ng malalapitan at naghahanap ng matinding backer upang mapili ng mayor.
Sa limang kandidato, ayon sa aking IO, mukha umano matunog si Baloyo na mapipili ni mayor dahil sa marami itong mga matinding backer.
Sang-ayon naman sa mga police officer na naka-usap ng Dateline, mukhang junior sa apat pang police officer si Baloyo at hindi raw magandang tignan.
Sa mga nabanggit na mga kandidato, si Magnaye ang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '90 at siya umano ang kandidatong napipili ng PRO3.
Sa limang police officer na naglalakad at tumatakbo upang makuha ang CSF police station, "good luck" sa inyo...
Ano kaya mayroon ang CSF police station at ito'y pinag-aagawan? Nagtatanong lang po...
Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on November 08, 2010.
Opinion
Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!
