Gob Pineda naalarma sa krimen sa Pampanga

-A A +A

Sunday, January 30, 2011

DAHIL sa mga sunud-sunod na mga crime incidents sa Pampanga nitong nakaraang linggo, naalarma kaagad ang butihing Gobernadora Lilia "Nanay Baby" Pineda.

At dahil dito, isang emergency meeting ang ipinatawag noong Huwebes ni Pineda na dinaluhan ng mga direktor ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), Department of Trade and Industry (DTI) at mga municipal at city licensing and permit department heads.

Naroon din ang dating Pangulo at ngayon representante ng pangalawang distrito ng Pampanga Gloria Macapagal-Arroyo. Siyempre, lahat ng mga alkalde sa Pampanga ay dumalo din sa nasabing emergency meeting at si Mayor Oscar Rodriguez ang bukod tanging hindi nakarating.

Nagkaroon ng palitan ng dayalogo sa pagitan ng mga direktor ng mga departamento at law enforcers.

Matatandaang noong Enero 21, isa umanong safehouse ng Dominguez Group sa isang apartment sa Greenville Subdivision, Barangay San Jose ang sinalakay ng pulisya.

At noong Lunes (Enero 24) isang safehouse sa Green Meadows Phase 2 sa Barangay Mabiga, Mabalacat; sa Villa de San Agustin, Sitio Dalisdis, San Pedro-Camuning, Mexico; at sa Barangay Panipuan, San Fernando, pawang sa lalawigan ng Pampanga, ay sinalakay din.

Apat na safehouses ang nasalakay ng pulisya na kung saan umaabot sa 14 na mga nakarnap na behikulo ang narekober at kasalukuyang inilagak sa Highway Patrol Unit-3 (HPU3) na nakabase sa Camp Olivas.

Dahil sa Pampanga nakita ang mga safehouses ay naging sikat ang probinsya, at ito'y tinagurian pang Carnap Capital.

At dahil dito, hindi nagdalawang isip si Gob Pineda na magtawag ng emergency meeting at doon binuo ang isang task group.

Kanya-kanyang pagbibigay ng opinyon ang lahat ng heads ng bawat departamento at sa huli ay nagbigay si Pineda ng magandang solusyon na maaaring maibsan ang carnapping, carjacking and killing sa Pampanga.

Hindi naman sinisisi ni gobernadora ang sinumang opisyales sa mga nangyayaring sunud-sunod na crime incidents sa lalawigan. Sa halip ay kanyang inatasan o pinayuhan ang lahat ng heads ng concerned departments.

Pinayuhan ni Pineda ang head ng DTI na maghipit ito sa pagbibigay ng permit to operate sa isang gustong magtayo ng negosyo sa Pampanga.

Sinabihan nito ang mga municipal at city licensing and permit heads na maghipit sa pagbibigay ng permiso sa mga kumukuha ng permit sa kanila at kung maaari ay bisitahin ang itinatayong negosyo bago ito aprubahan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Pineda ay dapat mag-focus ng bawat department heads, partikular ang mga opisyales ng LTO, HPU3 at NBI sa mga secondhand car dealers at palagi itong bisitahin o inspeksyunin kung maaayos ang mga papeles ng kanilang ibinebentang behikulo.

Sinabihan din ni gobernadora ang mga alkalde na palagi silang makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay opisyal dahil sila ang nakaka-alam kung mayroong bagong tayong negosyo at kahina-hinala ang kanilang galaw.

Ang tanong po dito, hindi sana nangyaring nagkaroon ng safehouses ang carnaping syndicate sa Pampanga kung ginampanan lamang ng mga opisyales ng barangay, mga alkalde at PNP ang kanilang trabaho.

Kung kailan pa mayroong nangyaring malaking krimen sa Pampanga ay ngayon pa lamang tayo gumagawa ng aksyon? Nagtatanong lang po.

Pampanga police head, papalitan na?

Inaasahang magaganap ang isang simpleng turn-over ceremony sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO) bukas (Martes).

Sang-ayon sa source ng Dateline, si Sr. Supt. Edgar Tinio ang itatalaga bilang Officer-In-Charge ng PPPO. Papalitan nito si Sr. Supt. Petronio Retirado.

Si Retirado ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '83 at si Tinio ay PMA class '85.

Naupo si Retirado noong Hulyo, ilang araw pagkatapos maupo si Gob Lilia "Nanay Baby" Pineda.

Sang-ayon sa source, malilipat si Retirado sa National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City upang masungkit nito ang isang star (for general).

Si Tinio ay galing sa Highway Patrol Unit-3 (HPU3).

Inaasahan ng mga Kapampangan na sa pag-upo ni Tinio sa Pampanga ay magiging maganda ang peace and order situation sa lalawigan.

Sa iyo, sir, congratulations at mabuhay po kayo...

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on January 31, 2011.

Opinion

DISCLAIMER: Sun.Star website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessary reflect the views of the Sun.Star management and its affiliates. Sun.Star reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.

Forum rules: Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent and respectful. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

FOREX: US$ 1.00 = PhP 41.188

Bangko Sentral ng Pilipinas

Philippine Lotto Results

Gamesort iconCombinations
Superlotto 6/4938-34-43-22-29-17
6Digit3-9-1-9-9-4
Swertres Lotto 11AM0-3-3
Swertres Lotto 4PM9-2-6
Swertres Lotto 9PM9-1-0

Today's front page

sunstar-pampanga-2013-05-24

Other front pages

  • ePaper
  • Calamity Report
  • Technology
  • Obituary
  • Sinulog
  • kidsters
  • Philippine Polls
  • Filipino Abroad
  • Festivals
  • Pacman blog
  • Habemus Papam
  • tell it to sunstar
  • SunStar Sports
  • Pnoy
  • SunStar Celebrity
Sun.Star Jobs