Pampanga - Season header theme

Sapnu: Hideout ng Dominguez Group, sinalakay

By Ric Sapnu

Dateline: Olivas

Monday, January 24, 2011

ISANG malaking "breakthrough" para sa Philippine National Police (PNP) at sa kaso nina Venson Evangelista at Monica Atienza ang pangkakahuli kina Alfred Mendiola, alyas Bading at Batibot Parulan sa isang raid sa Greenville Subdivision, Barangay San Jose, City of San Fernando.

Biyernes ng alas-6:00 ng gabi ng salakayin ng magkasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit-3 (CIDU3), Regional Intelligence Division (RID), Highway Patrol Unit-3 (HPU3) at Pampanga Police ang pinaghihinalaang hideout ng Dominguez Group sa isang inuupahan na apartment sa nasabing lugar.

Have something to report? Tell us in text, photos or videos.

Nahuli umano sina Mendiola at Parulan sa nasabing apartment at nakarekober din ng dalawang behikulo, isang kulay berde na Pajero at isang Ford Expedition, na nakaparada doon.

Nakarekober din ang raiding team sa loob ng nasabing apartment ng isang Armscor Caliber 9mm pistol, isang Armscor Caliber .45 pistol, isang Para (hi-cap) .40 pistol, isang magazine for 9mm pistol, 10 bala para sa caliber 9mm pistol, at dalawang magazines para sa caliber .40 pistol, 50 bala para sa caliber 40 pistol, isang magazine para sa caliber 45 pistol, dalawang handheld radios, dalawang spare batteries para sa handheld radio, 22 sets ng iba't ibang license plate numbers, mga metal plates na chassis numbers at ibang pang personal belongings.

Noong gabi na iyon, kaagad naman dumating sa Camp Olivas si Chief PNP Director General Raul Bacalzo at personal nitong pinuntahan ang nasabing apartment.

Bago dumating si Bacalzo sa Camp Olivas ay nakaabang na ang lahat ng TV stations, media personalities at maging ang mga taga-national reporters.

Dakong alas 7:30 ng gabi nang pumunta si Chief PNP kasama si Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, Central Luzon police director, at iba pang mga police officers sa nasabing apartment kung saan sumama ang mga reporters.

Halos pasado alas 9:00 ng gabi nang magsimula ang "press conference" ni Bacalzo at kanyang sinabi na isang "breakthrough" sa kaso nina Evangelista at Atienza ang pagkakahuli kina Mendiola at Parulan.

Pinahayag pa niya na isang malaking ebidensya ang mga narekober ng mga pulis sa apartment upang malutas kaagad ang kaso ukol kina Evangelista, Emerson Lozano at Ernane Sensil.

Matatandaan na ang sunog na katawan ni Evangelista ay natagpuan sa isang irrigation canal sa Cabanatuan City samantalang ang sunog na katawan ni Lozano ay natagpuan sa Barangay Mancantian, Porac.

Ang katawan naman ni Sensil, drayber ni Lozano, ay natagpuan sa La Paz, Tarlac.
Sina Evangelista at Lozano ay kapwa nasa car business, ayon sa police report.

Sang-ayon sa report, ang Kia Carnival ni Lozano na kanyang ibinenta ay kinarnap ng isang di-umano'y buyer noong Enero 12. Ni-report siyang "missing" nang gabi na iyon ng kanyang ama na si Atty. Oliver Lozano, lawyer ng mga Marcos sa Quezon City police.

Ang Kia Carnival ni Lozano ay natagpuang sunog sa Barangay San Simon, Dinalupihan, Bataan, subalit ang ibinebentang Toyota Land Cruiser ni Evangelista ay hindi pa rin narerekober ng pulisya.

Noong Enero 12, isang buyer ng Isuzu Alterra na pag-aari ni Monica Atienza ng Hogonoy, Bulacan ang kinarnap. Nang gabing iyon, ang apat ay ibinaba sa Victoria, Tarlac at hanggang ngayon ay hindi pa rin narerekober ang Isuzu Alterra.

Sa mga sunod-sunod na mga karnapping at pagpatay pa sa mga biktima ay naaalarma na ang mga may-ari ng behikulo na baka sila ang maging biktima. Maging ang mga may-ari ng secondhand vehicles ay natatakot na rin ipa-drive test ang kanilang ibinebentang sasakyan dahil sa mga nangyayaring carnapping incident.

Ang tanong nila, gaano kaya daw sila ka-safe sa mga carnappers at carjackers?

Ang tanong pa dito, bakit sa Central Luzon dinadala ng mga carnapper ang mga sasakyan? Ito'y isang malalim na palaisipan ng publiko...

Published in the Sun.Star Pampanga newspaper on January 24, 2011.

Sun.Star on social media

Saturday, May 26, 2012

Philippine Lotto Results
Gamesort iconCombinations
Megalotto 6/4530-16-25-38-13-09
4D Luzon0-5-7-4
4D Vismin0-5-7-4
Swertres Lotto 11AM7-8-6
Swertres Lotto 4PM0-2-7

Today's front page

Sun.Star Pampanga front page for May 26, 2012

Other front pages